Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika Santiago, happy bilang endorser ng Shake King Frost

MASAYA ang Kapuso teen actress na si Angelika Santiago na naging bahagi siya ng top rating TV series na Prima Donnas.

Gumanap siya rito bilang si Jewel na isa sa mean girls sa show at aminado ang 17 year old na dalagita na nag-e-enjoy siya sa kontrabida role.

Nabanggit ni Angelika na idol niya ang mahusay na si Ms. Aiko Melendez bilang aktres at kontrabida.

Lahad ni Angelika, “Actually, ngayon po talaga, nilu-look up ko si mommy Aiko. Hindi po kami nagkaeksena (sa Prima Donnas) pero may scene po kami na nag-hi lang po kami. Pero sa ‘hi’ lang po ni Ma’m Aiko, parang wow, nakakaano na… matatakot ka na, ganoon, hahaha!”

Sakaling may aapihin siyang artista sa isang teleserye, sino ang gusto niya?

Esplika ni Jelay (nickname ni Angelika), “Kung bibigyan po ako ng chance na ako naman ang mang-aapi talaga, gusto kong apihin iyong mga kasama ko po sa Prima Donnas. Like sina Jillian Ward, Sophia Pablo, Althea Ablan, at pati po si Elijah Alejo.”

Nakangiting dagdag niya, “Kasi hindi ko naman po nagagawa iyon sa teleserye namin, kaya for a change, kung bibigyan ng chance, gusto ko rin po ma-experience iyong ako naman ang nang-aapi.

“Si Elijah, although kontrabida rin po siya sa Prima Donnas, gusto ko rin maranasan na apihin naman siya.”

Ang magandang teen actress ay nasa pangangalaga ng Triple A Incorporated na pinamumunuan ni Rams David.

Si Angelika ang endorser ng KERAcream shampoo at conditioner. Bagay na bagay siya sa produktong ito dahil kahit mahaba at hanggang baywang ang kanyang buhok, name-maintain niya itong maganda at maayos.

Siya rin ang endorser ng Shake King Frost na kilala rin sa tawag na creamy and delicious cake in a shake. Happy siya sa kanyang endorsements na natoka sa kanya.

Wika ni Angelika, “Ito pong Shake King Frost ay very reasonable po ang price at napakasarap. Plus, maraming flavors to choose from… bale, cake in a shake po siya na smoothie. Ang favorite flavor ko po is ‘yung chocolate at red velvet.

“Open na po ito for franchising nationwide, please contact Arnel T. Bollena at 09298312885 and Ernalyn Villegas at 09427467323.”

Ang available na products sa Shake King Frost ay Milk Tea, Premium Milk Tea, Shake and Frost Smoothies, Frappuccino, at Fruit Tea.

Ang Franchise inclusions ay 1 unit standard design cart, 2 units of industrial blender, 1 unit sealing machine, 1 pc cooler, 1 pc culinary whipper, 8 pcs squeezer, 13 pcs plastic containers, 1 pc ice scooper, 1 pc ice bucket, 1 pc long spoon, 1 set of measuring cup, 1 set of measuring spoon , and 2 sets of uniform.

Kahit bata pa lang ay sinasanay na siya ng parents niyang sina Mr. Butch at Ms. Bhing sa business, dahil next year sa kanyang debut (May) ay bibigyan siya ng isang negosyo at gagawing CEO ng kanyang father.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …