Friday , May 16 2025
road accident

1 patay 1 sugatan sa 2 motor na nagsalpukan

TODAS ang isang rider habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong mga motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Bernardino General Hospital (BGH) ang biktimang kinilalang si Jet Helina, 24 anyos, residente sa B10 L10, Manga St., Amparo Subd., Brgy. 179 sa nasabing  lungsod sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Kasalukuyang nakaratay sa Philippine Orthopedic Hospital ang kabanggaan na kinilalang  si John Michael Villanueva, 20 anyos, residente sa Bayabas St., Amparo Subd., Brgy. 179 sanhi ng mga pilay sa iba’t bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Dennis Michael Natividad, dakong 11:00 pm, nang magkabangaan ang dalawang nakamotorsiklong kapwa tinatahak ang kahabaan ng Malantik St., sa magkabilang direksiyon.

Minamaneho ni Helina ang isang Euro motorcycle samantala minamaneho din ni Villanueva ang isang Honda Click pero pagsapit sa kanto ng Ipil St., Amparo Subd., Brgy. 179, ay nagsalpukan ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan.

Kapwa napinsala ang dalawang rider dahil sa lakas ng banggaan na nagresulta sa kamatayan ni Helina at grabeng pagkasugat ni Villanueva. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *