Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Boy Foretold By The Stars, 2nd Best Picture

NAGBAHAGI ang bida ng The Boy Forerold By The Stars na si Adrian Lindayag sa nadama niya nang mapabilang siya sa mga nominado sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2020.

“Hindi pa nagsisink-in na bahagi ng MMFF ang #TheBoyForetoldByTheStars, may pasabog ulit agad si Lord/Universe. 

“It feels unreal that I am part of this list with actors I look up to so please allow me to express my gratitude. Maraming salamat sa jury ng MMFF for the recognition. 

“To my co-nominees- Sir @johnarcilla, last MMFF pinanood ko po ang ‘Miracle In Cell #7’ sa sinehan and I will never forget the scene in his office noong naalala niya ‘yung anak niya at pinipigilan niyang umiyak. How his eyes welled up with tears. 

“Sir Phillip Salvador, who we all loved in ‘Bona.’ 

“Kuya @pauavelino, who I loved so much in ‘Ang Larawan’ and ‘Goyo.’ 

“To be nominated alongside you three is a great honor and already a win in itself. Para akong nananaginip. Whatever happens tomorrow, I want to thank everyone who made this dream come true possible. 

“Kay Direk Dolly, sa jury, kay Keann, at lalong lalo na kay Dominic. Dominic, thank you for validating high school Adrian and all the effeminate little gay boys who found it difficult to find representation in movies, especially in romcoms. To all the Dominics, deserve rin natin ng isang magandang love story, just like everyone else. Walang imposible sa taong nangangarap. You are valid, worthy, and beautiful. My first film. My first lead role. The first Filipino BL movie in the country and the MMFF. I am claiming that this is just the first of many. I will never ever forget this 

Si Paulo Avelino ng Fan Girl ang itinanghal na pinaka-mahusay na aktor ng MMFF2020.

Napanood ko na ang pelikula nina Adrian at Keann Johnson. Kinilig ako sa buong pelikula.

Ramdam naman ng babaeng bakla ang ikot ng paglalapit ng puso ng dalawang boys. 

Na-enjoy ko ang pelikulang walang pretensiyon kaya sure na sure si Direk Dolly Dulu na marami ang makare-relate sa kung paanong umuusbong ang damdamin ng isang nagmamahal, at kung paano rin itong mawawala. Ang paglaban sa mga emosyon. Ang pagtanggap sa mga bagay na itinadhana na.

Oo. May kinalaman nga ang destiny sa inikutan ng mga puso ng mga boylets na nag-krus ang landas sa pelikula. 

Etong si Adrian, suki na ng mga teleserye, eh. At sabi ko nga sa kanya, nang mapanood ko na ang unang pagbibida niya, may laban siya sa mga beterano sa pagkakaganap niya sa personalidad ni Dominic.

Nangyari na nga. Nominado. Kahanay ng mga henyo ng maituturing sa mga karera nila.

Ang ganda ng moment ni Adrian. Isang magandang proyekto ang naihatag sa kanya para mas mailabas at maipamalas pa na kakayanin na pala niya ang magbida sa pelikula. 

At itinadhana ngang makasama niya sa kabuuan ng pelikula ang cast na nabuo ni Direk Dolly at ng Clever Minds. Ensemble acting!

Sundan na ito sa upstream.ph at huwag magpahuli na makita kung bakit ito itinanghal na 2nd Best Picture ng MMFF 2020. 

Sigurado. Marami pang kasunod na proyekto para kina Adrian at Keann.

Kinilig ang babaeng bakla!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …