Saturday , November 16 2024

Soberanya ‘bargain’ sa bakuna

ni ROSE NOVENARIO

IPINAING ‘barter’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang soberanya ng Filipinas sa Amerika nang magbantang tuluyang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapag nabigo ang US na ihanda ang 20 milyong doses ng bakuna kontra CoVid-19 para sa bansa.

“Previously, the Visiting Forces Agreement was dangled as a bargaining chip for Senator Bato dela Rosa’s US Visa. Yesterday, for US coronavirus vaccines,” ayon sa Facebook post ni Infrawatch PH convenor at dating Kabataan partylist Rep. Terry Ridon.

“Interesting that we can bargain away sovereignty for goods,” dagdag ni Ridon.

Matatandaang iniu­tos ni Pangulong Duterte ang pagbasura sa VFA matapos kanselahin ng US ang visa ni Senator Ronald dela Rosa noong nakalipas na Enero.

Si Dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) mula 2016-2018 ang nagpatupad ng madugong drug war ng administrasyong Duterte at binatikos maging ng international community dahil sa extrajudicial killings (EJK).

Itinuturing ni Pangulong Duterte na paglabag sa soberanya ng bansa ang nasabing hakbang ng US laban kay Bato pati ang resolution na ipinasa ng ilang US senators na nagbabawal makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Philippine government na nasa likod ng pagpa­pakulong kay Sen. Leila de Lima.

Dahil rito’y pinag­bawalan din ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na magpunta sa Amerika.

Sinabi ng ilang political observer na tila sinusubukan ni Pangu­long Duterte ang magi­ging polisiya ng incoming Biden administration sa relasyong PH-US dahil si outgoing US President Donald Trump ay kinausap siya at binigyan muli ng US visa si dela Rosa matapos niyang bantaan na tutuldukan ang VFA.

Sa live briefing kamakalawa ng gabi’y muling inatake ni Pangulong Duterte ang US na puro dada pero kulang sa gawa.

“Ang kanila lang kasi kay, ‘yung Visiting Forces Agreement matatapos na. Ngayon, ‘pag hindi ako pumayag, aalis talaga sila. Kung hindi sila maka-deliver ng maski na lang a minimum of mga 20 million vaccines, they better get out,”  sabi ni Duterte

“No vaccine, no stay here,” aniya.

“Hindi nga niya ma-deliver sa kaniyang lugar, dito pa. Itong amerikano talaga. Maniwala kayo. I’ve been in government, dealt with them many times. That’s hwy naging cynic ako sa kanila kasi wala pa…e, kung ibigay e ‘di ibigay, wala naman,” giit ng Pangulo.

Ibinisto kamakailan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na nabigo si Health Secretary Francisco Duque III na magsumite ng mga kaukulang dokumento sa Pfizer kaya hindi nasungkit ng Filipinas ang 10 milyong bakuna mula sa pharmaceutical company sa susunod na buwan.

Ngunit kinampihan ng Pangulo si Duque at nakombinsi na walang nagawang “major lapse” ang Health secretary dahil tuloy pa rin ang nego­sasyon ng Filipinas sa Pfizer.

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *