Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr. Gay Wilbert Tolentino, nakipag-collab kay Raffy Tulfo

SUPORTADO ni Raffy Tulfo ang pamosong businessman and former Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino. Mayroon silang collab na inaabangan na. Potensiyal na makahabol ang Wilbert Tolentino VLOGS sa rami ng subscribers nina Raffy Tulfo, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.

Wala pang dalawang buwan pero almost 300,000 subscribers na ang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app. Tiyak dadami pa iyan ‘pag ipinalabas na ang pagsasama nila ni Raffy.

 Samanatala, noong December 24 ay namahagi rin si Wilbert sa kanyang mga kafreshness subscriber sa YouTube for Noche Bola Raffle Bonanza. Ang mga premyo ay 1 unit Yamaha NMAX 155cc, one winner of P100,000, two winners of P50,000, 3 units iPhone 12 Promax 512gb, 2 units iPhone 12 Promax 256gb, 500 subscribers for 500 gcash, 500 subscribers for 400 gcash, 500 subscribers for 300 gcash, at 500 subscribers for 200 gcash.
Generous talaga si Sir Wil at maraming napasaya noong Kapaskuhan. “Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” lahad niya.

“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad. Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” deklara pa ni Sir Wil.

Si Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit). May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na. Mag-o-organize siya ng The Philippines Influencer Awards 2021.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …