Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, desididong pagsabayin ang singing at acting

IPINAHAYAG ng guwapitong bagets na si LA Santos na masaya siya sa nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon. Bukod sa pagkanta, madalas na rin siyang sumabak sa acting.

Bahagi siya ng top rating TV series na Ang sa Iyo ay Akin ng Kapamilya Channel. Nakatakda na rin gawin ni LA ang kanyang third movie, titled Mamasapano.

Nagbigay nang kaunting patikim si LA sa kanilang pelikula.

Aniya, “I’m very excited po to be in this film, paghahandaan ko po talaga ang role ko rito. Bale, ako yung gaganap bilang isa sa pinakabatang member ng SAF 44.”

Saad pa ni LA, “Ako po kasi, kapag may project, talagang kinikilala ko po iyong character na gagampanan ko. Tatanggalin ko po iyong pagiging LA Santos ko at ang makikita nila ay yun pong papel ko rito.”

Dahil tisoy siya, plano ba niyang magpa-itim para bumagay sa role niya rito?

“Yes po, magpapa-tan po ako para mangitim, talagang paghahandaan ko po ito. Ibibilad nila ako sa araw at kapag malapit na ang shooting, magpapa-military cut talaga po ako bilang preparation po.”

Since singer siya and actor, ano ang kanyang mas priority?

Nag-isip muna bago sumagot si LA, “Talagang mahirap po sagutin ang tanong na iyan, kasi I fell in love with both po, eh. Parang… kung ano ang nakukuha kong kasiyahan sa singing, nakukuha ko rin sa acting.

“So, mahirap po talagang sagutin, basta… pareho ko pong babies kasi iyan. Parehong mahalaga sa akin iyan, so… mahirap pong pumili ng isa. Pero puwede naman pong pagsabayin, kaya yun na lang po siguro ang gagawin ko. Kasi love ko talaga iyon pareho. Talagang iyan po ang dream ko, singing and acting,” nakangiting paliwanag pa ni LA.

Handog ng Borracho Film Productions at mula sa  pamamahala ni Direk Lawrence Fajardo, tampok sa pelikula sina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Allan Paule, Jojo Alejar, Kate Brios, PJ Abellana, at iba pa. May mahalagang cameo role rito si Claudine Barretto.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …