IBA talaga ang karisma ng kilalang negosyante, dating Mr. Gay World, at quarantine online philantropist na si Wilbert Tolentino.
Hataw kasi siya ngayon sa kanyang Youtube na Wilbert Tolentino VLOGS. Just imagine, wa pang dalawang buwan pero naka-283k subscribers na agad siya. Isang malaking achievement ito kay Wilbert bilang baguhan pa lamang siya sa entertainment streaming app.
Ayon kay Wilbert, enjoy siya at nawawala ang stress niya sa paggawa ng YouTube.
“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” paliwanag ni Wilbert.
“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad . Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” saad ni Wil.
Sinabi ni Wilbert na hindi nagkakalayo ang pagiging vlogger niya bilang owner ng tatlong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit).
“Dapat maglabas ng kakaibang content. Ang mga magagandang komento na nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Para mabigyan ko ng kasiyahan at libangan ang mga tao,” pakli niya.
“Ang adbokasiya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook.Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya.”
Samantala, may malaking pasabog na event si Willie kapag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.
“Magkakaroon ako ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021. Ito ay para ma-cater natin ang mga press, media, at vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” lahad pa niya.
Gumawa rin siya ng music video na Kafreshness ng Pasko na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya.
Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang aliw sa kanyang vlog dahil sa mga collab niya sa Beks Battalion (Chad Kinis, Richardson de la Cruz, Reginald Lassy Marquez, Mc Muah Calaquian).
Ganoon din sa #DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, at Zeinab Harake).
May collab din siya kay Sachzna Laparan gayundin sa Kapuso actress na si Sanya Lopez.
May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad).
At dahil generous talaga si Wil mamamahagi siya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber.
“Despite of struggles and challenges that we are facing global health issues. Bangon tayo mga Pilipino. ‘Wag nating hayaan na lamunin tayo ng lungkot!! Spread positive vibes at dapat tayo laging fresh.
“ See you on December 24, 2020, 7pm para lang sa exclusive kafreshness subscriber for Noche Bola Raffle Bonanza,” giit pa ni Willie.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio