CUTE at kilig overload ang pelikulang The Boy Foretold By The Stars. Ito ang nasabi namin matapos mapanood ang advance screening nito na isinagawa kahapon sa Sine Pop. Ang The Boy Foretold By The Star ay isa sa entry ngayong Metro Manila Film Festival 2020 na magsisimulang mapanood sa December 25 via Upstream.
At dahil kilig overload, masasabing ang mga bida nitong sina Adrian Lindayag at Keann Johnson ang Bea-John Lloyd ng BL movies na tulad ng huli, nagpapakilig sa mga pelikulang ginawa at marami ang nakare-relate.
Ganoon din kasi sina Adrian at Keann, hindi sila trying hard sa pagpapakilig ng audience. Tulad ng tinuran ni Adrian, natural na natural ang ginawang pag-arte sa role ni Dominic. Iniarte lamang niya ang hinihingi ng role sa kanya. Wala siyang pinanood o ginaya para maiarte si Dominic, panganay na anak na hindi alam ng magulang na isa palang bading. Nag-aaral sa isang Catholic school na nagiging tampulan ng tuksuhan at lokohan. Pero sa kabila nito’y nakahanap ng isang taong magtatanggol sa kanya.
Si Keann naman si Luke, may girlfriend nga pero madalas namang hindi ito nakakasama sa mga lakad o hindi man lang nakakausap lalo kung may problema siya. Si Luke rin ang estudyanteng tamad mag-aral at may problema sa pamilya.
Hindi mahalay ang The Boy Foretold By The Stars kung ito agad ang iniisip ninyo dahil nga isa siyang BL movie. Isang romantic comedy ito ukol sa dalawnag senior high school boys na sa tulong ng isang manghuhula, nagtagpo at naging close sa pamamagitan ng school retreat na tinatawag na Journey with the Lord. Masaya ang pelikula kaya naman habang nasa screening mauulinigan mo ang sabay-sabay na tawanan at kanya-kanyang comment lalo na kapag magka-eksena ang dalawang bida at nagpapakilig.
At ang pinakamagandang eksena, siyempre ang kissing scene. Kung paano nila ipinakita o ginawa iyon, iyon ang inyong tuklasin. Basta, nakatutuwa at for sure kikiligin kayo sa eksenang ito.
At bagamat baguhan ang mga bida at mga kasamang nagsiganap, lahat sila ay mahuhusay tulad nina Iya Minabilang ang manghuhula, Renshi de Guzman, ang unang crush at akala’y soulmate ni Dominic at iba pa.
Napakaganda ng rehistro sa screen nina Keann at Adrian gayundin ni Renshi. Lahat sila guwapo nila kaya naman tiyak na after ng movie, magka-crush ka sa kanila.
May maganda ring iiwang aral ang pelikula: Ang papapatawad at ang pagmamahal.
Recommended namin for all ages ang The Boy Foretold By The Stars at Rated G sila ng MTRCB. At tiyak hindi kayo magsisisi kapag napanood ninyo ito, kaya watch na! ng The Boy Foretold By The Stars streaming worldwide sa upstream.ph simula December 25. Para mapanood, mag-log on sa upstream.ph/mmff to reserve. I-click ang “Pay” para makakuha ng ticket sa GMovies.ph, ang partner ticketing site. I-click “Create an Account” kung wala ka pang GMovies account. Simula December 25, pwede mong mapanood ang pelikula sa “My Shows” ng iyong GMovies account. Para sa updates, i-like at i-follow The Boy Foretold By The Stars sa Facebook at i-follow ang @clevermindsinc sa Facebook, Instagram at Twitter.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio