Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

500 pamilya binigyan ng ‘aginaldo’ ng NCRPO

HINDI naging hadlang ang ulan para kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director P/Brig. General Vicente D.  Danao, Jr., sa pagbibigay ng pamaskong handog sa 500 mahihirap na pamilya sa ilang barangay sa Quezon City, nitong Sabado.

Kasabay ito ng  pagpapatuloy ng “Kaagapay Ko, Tapat, May Tapang, at  Malasakit Para Sa Mamamayan Program” ng Team NCRPO.

Aniya, imbes Christmas party sa NCRPO, pinili nilang ipagdiwang ang Pasko sa pamamagitan ng pag-aambagan para sa mga regalo sa mga pinakamahirap na pamilya.

Matapos ang programa, personal na iniabot ni  NCRPO Chief Danao, ang food packs at health kits na nagbibigay ng impormasyon hinggil sa Coronavirus Awareness Response and Empowerment (C.A.R.E) Information Drive, na pinasimulan ni dating NCRPO chief at ngayo’y PNP chief, Major General Debold Sinas.

Kasama rin sa tinalakay ang sitwasyon sa krimen ng kani-kanilang barangay, mga tips sa pag-iwas sa krimen at ang ilegal na droga.

Umapela si Danao sa publiko na itext ang mga sumbong at impormasyon na nais iparating sa kaniyang tanggapan sa NCRPO text hot line numbers Isumbong Kay RD NCRPO O915- 888-9181 at 0999-901-8181.

“Sana po ay makatulong sa inyong pang-araw-araw ang aming munting regalo na handog sa inyong lahat bagaman ito ay  kakapiranggot. Sana ay may napulot kayong aral sa mga naituro ngayong araw.

Ang inyong kapakanan at  gampanin sa komunidad ay labis naming kinikilala at pinasasalamatan,” pagtatapos ng opisyal sa programa. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …