Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang hanggang pagmamahal ng isang ama, tampok sa Magpakailanman

ISANG touching episode ang mapapanood ngayong Sabado sa Magpakailan. Ito ay ang kuwento ni Bing, isang ama na pinatuyan sa kanyang mag-ina ang walang hanggang pagmamahal niya.

Lahat naman kasi tayo ay nagnanais ng isang masayang pamilya. Pero paano kung dumating ang panahon na mamamaalam na ang ama ng tahanan?

Mayaman ang mga magulang ni Aly na sina Joji at Bing. Close rin sila sa isa’t isa kaya masaya ang kanilang pamilya.

Pero isang pagsubok ang darating sa kanila, magkakasakit si Bing sa puso at may diabetes pa. Naubos ang pera nina Aly sa pagpapagamot kay Bing. Gayunman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Joji na gagaling o hahaba ang buhay ng asawa.

Hanggang sa isang araw, pinayuhan na sila ng mga doctor na iuwi na si Bing at sa bahay na alagaan. Nagtulungan ang mag-ina para maayos na maalagaan si Bing. Malaki ang pasasalamat ni Bing kina Aly dahil sa pagmamahal nito sa kanya. ‘Di nagtagal, namatay din si Bing.

Makalipas ang ilang araw, laking-gulat ni Aly nang makatanggap siya ng email mula kay Bing. Paano ito nangyari gayong wala na ang kanyang ama?! Maisakatuparan kaya niya ang huling bilin nito?

Tunghayan sa Sabado, December 19, sa Magpakailanman ang espesyal na Christmas presentation na My Everlasting Love:  The Joji and Alyssa Mendoza Story na nagtatampok kina Barbie Forteza bilang Aly, Isay Alvarez bilang Joji, at Robert Seña bilang Bing.

Mula sa direksiyon ni Jorron Monroy, pananaliksk ni Angel Lauño, at panulat ni Karen P. Lustica.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …