Ano ang reaction niya nang nanalo siyang Breakthrough Artist of the Year?
Nakangiting saad ni Gari, “Nang tinawag ang name ko sabi ko, ‘Oh my God ako yun!’ Excitement at saya na may halong takot sa kung ano ang sasabihin ko sa stage ang naramdaman ko po, kasi baka may makalimutan akong pasalamatan…
“Ayun na nga na-mental block na ako, lalo na nang nakita ko si Kuh Ledesma na paborito ng mother ko, bigla kong naalala ang mother ko, maluluha ako, sabi ko sa sarili ko, ‘Huwag, baka humaba ang speech mo, one minute lang dapat’ hahaha!
“Kaya nakalimutan kong banggitin si ka Rodel Fernando, si mam Crispina Belen, ang manager ko na si ka Miko Villanueva, ang aking Ivory Music family, ang aking mentor na si mam Eileen Tan-Dario at Engr Ramon Mendoza, ang aking Team Supreme family, ang aking VSMTC family, ang aking vocal coaches na sina coach Ladine Roxas at Sir Vehnee Saturno, si kuya Manny Cruz, at Tito Lhar Santiago.”
Dagdag pa ni Gari, “Lalo itong magsisilbing inspirasyon para sa mga susunod kong gagawin. Iba talaga ang pakiramdam kapag narere-cognize ka o kinikilala ang mga nagawa mo. Sobrang saya ko po talaga, maraming salamat po sa Aliw awards.”
Si Gari ay nominado rin sa Aliw bilang Best Pop Artist.
Abangan siya sa kanyang second virtual concert na pinamagatang Mga Hugot ng Puso, 7PM. Nabago na ang date nito at gaganapin na ang concert ni Gari sa December 30. This time, may live band na siya, ang Supreme Band, kaya aminadong ngayon pa lang ay excited na si Gari.
Naging matagumpay ang unang virtual concert ni Gari na pinamagatang Gari Escobar Live! My Life! My Music! na ginanap last October 18. Kaya napagpasyahan niyang sundan na agad ito.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio