HANGA si John Arcilla sa tapang ng ABS-CBN na gastusan ng malaki ang action seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Kuwento ni John sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikulang Suarez: The Healing Priest, isa sa 10 entry na mapapanood ngayon sa online Metro Manila Film Festival 2020, hindi biro ang sobrang gastos ngayon sa kanilang taping.
Aniya, “Imagine lahat ng artista (kasama na ang staff and crew) ipapa-swab mo in and out? Tapos naka-hotel? Ang laki ng gastos.”
Sa new normal taping at shooting kasi na ipinatutupad ng IATF, naka-lock-in ang lahat ng involve para matiyak na safe sila at walang magkakasakit ng Covid.
“Alam mo ‘yung new normal, very strict ang ABS-CBN sa mga health protocol na sobrang positive para sa akin,” kuwento ni John. “Yung papasok ka at isa-swab ka, mag-stay ka muna sa hotel mo ng 24 hours to 48 hours then after you get the result bago ka palang mag-start ng taping mo ng two weeks.
Pagpapatuloy ni John, “And after two weeks e-exit ka tapos swab ka ulit, then you will stay in your hotel again and wait for another 48 hours to get the negative result and bago ka lang lalabas ulit.
“’Pag nag-positive ka may choice ka if you’re going straight to your house or puwede kang tumuloy sa quarantine barracks ng ABS-CBN kasi hindi ka naman puwedeng umuwi sa pamilya mo kung positive ka.”
Sinabi pa ng magaling na actor na sa protocol ngayon, hindi na nila nagagawa ang tulad ng dati. “We can’t really get together or eat together. Hindi kami ini-encourage although may mga time na puwede kayong mag-gather pero hindi ka puwedeng mag-swimming sa hotel. Mga lamesa is one meter apart kaming mga artista.
“And we can only take out our face mask and face shield during the take na but during the rehearsals mayroon kaming face shield or ako minsan tinatanggal ko ang face mask ko para marinig ang salita ko.
“All the staff, directors lahat sila naka-face mask and face shield. Magtatanggal lang sila kapag nandoon na sila sa kuwarto nila. And marami kaming bantay sa amin na magre-remind na ‘wear your mask’ every now and then and kinukunan ka ng temperature para malaman dahil ‘pag nagkalagnat ka, definitely swab ulit ‘yan at hindi ka pagtatrabahuhin. And I really like it.
“At kapag may gusto kang ipabili sa labas ng hotel o ipa-order tulad ng Grab o Panda ay hanggang labas lang sila ng hotel at bago ipasok ‘yun idi-disinfect pa bago iakyat sa kuwarto naming dahil bawal kaming lumabas ng kuwarto kung walang taping.”
Natanong si John kung hanggang kailan pa ang Ang Probinsyano. Natawa ito at nagbilang sa kanyang daliri na parang gustong ipaalam na walang katapusan ang action-serye.
“Hindi ko pa alam, wala pang plano si Coco na tapusin, ha ha ha,” giit ng actor.
Ang Suarez: The Healing Priest ay mapapanood sa Disyembre 25 handog ng Saranggola Media Productions sa MMFF 2020. Ito ay mula sa direksiyon ni Joven Tan.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio