Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, paninindigan ang pagmamahal sa asawa kahit magloko

BISAYA ang tawag ni former Senator Jinggoy Estrada kay Sylvia Sanchez sa mga una nilang pagkakakilanlan dahil may punto siya.

Hindi naman ito ipinagkakaila ni Sylvia. Pero napawing lahat ‘yon nang kilalanin siya bilang magaling na aktres! Ang kahusayan niya ang markado ngayon sa publiko at hindi ang pagiging Bisaya niya.

Madalas nang nagkakabiruan sina Sylvia at Jinggoy. Kaya naman nang dumating ang project na Coming Home na silang dalawa ang lead actors, komportable na sila sa isa’t isa.

Sa virtual presscon ng film festival entry, mag-asawa sina Jinggoy at Sylvia. Isang OFW si Jinggoy pero naakit sa ibang babae na ginampan ng beauty queen na si Ariella Arida. Inabandona ni Jinggoy ang asawa’t mga anak.

Pero nang magkasakit si Jinggoy, ibinalik siya ni Ariella sa pamilya ni Sylvia para alagaan.

Natanong kay Sylvia ang sitwasyong ganoon kung sakaling ibalik ang asawa niyang si Art Atayde sa kanya ng kabit kapag nagkasakit ito para alagaan. Tatanggapin ba niya si Art?

“Oo! Tatanggapin ko si Art kung sakaling dumating sa kanya ang ganoong sitwasyon.

“Mahal ko si Art eh! Panghahawakan ko ang pagmamahal kong ‘yon sa kanya para muling tanggapin at ayusin ang anuman ang dapat ayunsin!” rason ni Sylvia.

Pampamilyang pelikula ang Coming Home at star-studded din ang cast na kinabibilangan din nina EA Guzman, Martin del Rosario, Shaira Diaz, Julian Estrada, Jake Ejercito at marami pang iba.

Mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr., ang Coming Home ay mula sa Maverick Films.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …