Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miggs Cuaderno nag-ala Panday sa Magikland, wish sundan ang yapak ni FPJ

TAMPOK ang award-winning teen actor na si Miggs Cuaderno sa pelikulang Magikland, isa sa entry sa 2020 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25 via Upstream, kaya mapapanood sa buong mundo.

Sa Magikland, gumaganap si Miggs bilang si Boy Bakunawa. Apat silang bata rito na nagkatagpo dahil sa isang video game at si Miggs ang leader nila.

Ibinida ni Miggs ang mga dapat abangan sa kanilang pelikula. “Sa Magikland po kaabang-abang po… kasi first time kong mag-action at gagamit ng sword na parang si FPJ po sa Ang Panday,” aniya.

Dagdag pa ni Miggs, “Sa action part po feeling ko ako si FPJ, hehehe. Kasi po nakita ko sa movie po niya ang dami niyang kalaban eh. Super-saya at exciting po ng mga action scene rito sa movie namin.

“Dito po sa pelikulang Magikland, natuto akong humawak ng sword, nag-stunt workshop po ako at sa paghawak at galaw ng sword ko. Talagang pinaghandaan ko po, kasi kailangan pong makita na mahusay ako humawak ng sword.

“Nagkakalyo nga po yung kamay ko, kasi iniikot-ikot ko pa,” nakangiting sambit pa niya.”

Idol ba niya si FPJ at napanood niya ang movie na Ang Panday ni FPJ at ni Sen Bong Revilla? “Opo, gusto ko pong maging kagaya niya na lahat ng role kayang gawin at tumagal na artista hanggang tumanda po.

“Noong bata po ako napanood ko, pero di ko na po maalala kasi ang bata ko pa po noon. Iyong kay FPJ po, sa TV nakita ko po,” esplika pa ni Miggs.

Ang pelikula ay tinatampukan din nina Jun Urbano, Bibeth Orteza, Elijah Alejo, Princess Rabarra, Joshua Eugenio, Hailey Mendez, Wilma Doesn’t, Jamir Zabarte, Kenken Nuyad, at marami pang iba. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Christian Acuña.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …