Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, malaking halaga ang inilabas para sa isang BL movie

ANG aktres na si Jodi Sta Maria pala talaga ang naglabas ng pera para magawa ang pelikulang The Boy Foretold By The Stars.

Ito ang inihayag ni Direk Dolly Dulu sa virtual conference noong Lunes nang matanong ang partisipasyon ni Jodi. Anang direktor, “Noong una parte lang siya when we’re still part of Sine Pilipino Festival. Para kasi makuha naming ‘yung rights she had to buy it out from the festival. We have to return the money that the Sine Pilipino gave us. So, siya na po iyon, ‘yung Clevelminds.

“At tiniyak ni Jodi na kung ano ‘yung dapat makuha talagang ginawa niya para ma-sure na quality ‘yung movie na mapapanood ng tao.”

Sinabi pa ni Direk Dolly, na malaking halaga talaga ang itinulong ni Jodi sa pelikula.

Wala namang participation si Jodi sa pelikula. Purely producer lamang siya sa The Boy Foretold By The Stars.

Biruan nga nila, Madam na ang tawag nila kay Jodi.

Inihayag pa ng writer-director na naging malapit sila ng aktres nang makatrabaho niya ito sa isang proyekto. Roon ay napag-usapan nila ang kani-kanilang pangarap.

Naikuwento pa ni Direk Dolly na kaya siya natulungan ni Jodi na mag-produce ay dahil likas na matulungin ito. Sa kagustuhang matulungan siya, ito na ang nag-produce ng kanyang pelikula.

Sa kabilang banda, hindi naman basta BL movie lamang ang The Boy Foretold By The Stars. Hindi rin ito iyong basta BL movie na nagkakagustuhan ang mga bidang lalaki. Ito ay isang selebrasyon ng realidad na ang pag-ibig ay destined para sa lahat.

Isa ring masayang pelikula ang The Boy Foretold By The Stars aside from a heart warming young love. Kaya kung hanap ninyo ang magpapangiti ngayong Kapaskuhan, manood na kayo nito. Tampok din sa pelikulang ito si Iya Mina, bida sa Mamu: And A Mother Too ng Cinema One Originals.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …