Monday , November 18 2024

Anak ng Macho Dancer star Sean De Guzman, may traumatic experience sa kanyang kabataan

Totally unforgettable raw in as far Marco Gumabao is concerned, when the police authorities went to their house in Quezon City last February 2005 to arrest his dad Dennis Roldan in connection with the kidnapping case he was involved in.

On the other hand, grade four naman si Sean last 2010, nang salakayin ng mga pulis ang tahanan nila dahil sa involvement sa drugs ng kanyang ama na nag-iwan sa kanya ng trauma.

“Ni-raid po ‘yung bahay namin dahil hinahanap nila ang father ko,” he narrated.

“Natatandaan ko, umiiyak kami noon kasi ang daming pulis sa bahay namin ‘tapos kaming magkakapatid, magkakayakap lang kami. Iyon ang hindi ko makakalimutan na nangyari.

“Maraming utang ang father ko sa Muslim, maraming Muslim sa area namin. Palaging may pumupunta sa bahay namin, kinukuha ‘yung mga gamit namin.”

They used to have one big happy family but everything has changed when his mom worked in Bahrain and his dad was hooked into drugs.

“Apat po kaming magkakapatid. Ang mother at father ko, matagal nang magkahiwalay.

“Halos lumaki po ako sa lola ko sa mother side kasi ‘yung mother ko, nasa abroad siya that time.

“Sobrang hirap po na lumaki na magkahiwalay ang mga magulang. Dati bago nag-abroad si Mama, sobrang saya namin.

“‘Yung father ko ang nag-aalaga sa aming magkakapatid. Naghiwalay sila dahil ‘yung mga ipinapadala ng mother ko, napupunta lang sa iba, sa drugs. Do’n nagsimula ‘yung pagkakawatak-watak namin.

Noong una raw, parang nagtataka si Sean kung bakit nangyari ang mga bagay na gano’n sa kanila. Masakit umano pero tanggap na rin daw nila ang lahat.

Isang paalaala raw ito sa mga magulang na nagkakaroon ng problema ang pagsasama, dahil in the process ang kanilang mga inosenteng anak ang nagiging biktima.

Dahil sa nangyari, nagtampo si Sean sa kanyang ama.

“Napatawad ko na rin po siya, pero hindi ko alam kapag nagkita kami. Hindi ko alam ang sasabihin ko.”

Okey lang daw sa kanya na imbitahan sa premiere night ng kanyang movie para makita nito ang kanyang pinaghirapan at maging proud sa kanya.

Matagal na raw kasing hindi sila nakakausap.

‘Yung father niya, nasa Bulacan raw. Sa tingin naman daw niya, nagbago na.

“Hindi po kami gaanong nakapag-uusap. Feeling ko naman po, alam niya na artista na ako. Nakikita niya.

“Si Mama naman po, sobrang proud siya sa akin dahil artista na ako.”

To be an actor was his greatest dream. Idol raw niya sina John Lloyd Cruz at Coco Martin.

Natupad raw siguro ang kanyang ambisyong maging aktor dahil ito ang gantimpala sa kanya ng Diyos, in exchange of the hardship that he was able to experience when he was still young.

“Iniisip ko na napapanood ang sarili ko sa TV. Minsan, ginagaya ko ang mga napapanood ko, sina John Lloyd Cruz, Coco Martin…

“Mahilig akong manood ng mga teleserye at babad dati ako sa panonood ng TV,” Sean ventured.

In his desire to become an actor, he grabbed the opportunity to audition for Anak ng Macho Dancer.

“Noong mag-audition ako para sa Anak ng Macho Dancer,” he said, “ang alam ko may napili na silang bida, kaya parang naghahanap lang sila ng mga suporta.

“Okey lang sa akin na maging support basta maging part lang ako ng pelikula, kaya hindi ako makapaniwala nang tawagan nila ako at sabihin na ako ang napiling bida.

“Ten shooting days ang Anak ng Macho Dancer at natutuwa po ako dahil mga award-winning actor ang mga kasama ko.

“Nakahihiya po na nakatataba ng puso,” he further said. “Hindi ko po akalain na ganoon kalalaking tao ang mga makakatrabaho ko.”

Ang wish niya ay matapos na ang coronavirus pandemic para masundan pa ang kanyang mga project.

But while waiting for the January 2021 playdate, he is into his studies as first year Culinary Arts student in Lyceum of the Philippines University simply because he loves to cook.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *