Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivian Velez, may pakiusap kay Luis: Sana ‘wag na siyang maging babaero

NAPAPALAKPAK si Vivian Velez habang kausap ng ilang entertainment press nang ibalita sa kanyang engage na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Noong Sabado inanunsiyo kapwa nina Luis at Jessy ang ukol sa kanilang engagement sa pamamagitan ng kanilang social media account. Bagamat sinasabing Oktubre pa iyon naganap.

“Oh really?! Oh my God, talaga ba?!,” anito sa zoom conference noong Sabado ng hapon. ”Kasi nga biglang nag-pandemic, February o March…tapos nakakuha ako ng mga basher dahil ano ba raw ang pakialam ko (sa kasalan ng dalawan) roon.

“Sinasabi ng mga namba-bash na inuunahan ko iyong dalawa. Eh hindi ko naman inuunahan. Sinasabi na naman nila ‘yun,” sambit pa ni Vivian na siyang director general ngayong Film Academy of the Philippines (FAP)

Sinabi pa ni Vivian na matagal na ang balak na pagpapakasal nina Luis at Jessy. ”It’s just that when, ‘di ba?”

Pinayuhan naman nito si Luis na, “Sana lang itong si Luis, ‘wag nang maging babaero, ha ha ha.”

Kamag-anak ni Vivan si Jessy sa father side at sa mother side naman ng batang aktres.

Samantala, kung dalawang taong nananihimik ang FAP sa ‘di pagbibigay ng awards o ang kanilang Luna Awards, ngayong taon ay magaganap sa Disyembre 18 na mapapanood ng LIVE sa UNTV, 7:00 p.m.

Sa tulong ng NDM Studios ni Direk Njel de Mesa at Fisher Mall, sumulong na ang video shoots para sa mga kailangang mapanood sa programa na ang host ay ang komedyanong si Dinky Doo. Ilan sa performers ay sina Isay AlvarezRobert Seña, at Paolo Paraiso. Kasama rin sina Daiana Meneses, Ynez Veneracion, Director Nick Lizaso, Federico Moreno, Harlene Bautista at marami pang iba.

Kaya saksihan ang muling pagkinang ng FAP at ng kanilang Luna Awards.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …