Thursday , May 8 2025
knife saksak

‘Taglibog’ na obrero muntik paglamayan

SUGATAN ang isang factory worker matapos pagsasaksakin ng ama ng babaeng kanyang pina­dadalhan ng malalaswa at maha­halay na pana­nalita sa pamamagitan ng messenger sa Valen­zuela City, kamakalawa ng gabi.

Muntik nang pag­lamayan ang ‘malibog na mensahero’ na kinilalang si Alexander Marcial, 40 anyos, residente sa Samonte Apartment, Barangay Bagbaguin na agad nadala sa Valen­zuela Medical Center (VMC) sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspek na si Rustan Chavez, 37 anyos, walang trabaho at kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar  t nakuha rin ang ginamit na patalim.

Sa ulat kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakita umano ni Chavez ang malalaswa at maha­halay na pananalita na ipinadadala ng ‘malibog na mensahero’ sa kan­yang anak na babae sa messenger.

Upang gantihan, nagpanggap ang suspek na siya ang dalagang pinadadalhan ng mensahe at nakipag­kasundo na magkita sila sa isang lugar.

Sumangayon naman si Marcial sa pag-aakalang kausap niya ang anak hanggang nag­kasundo silang magkita sa harap ng Dela Cruz Compound sa Barangay Bagbaguin malapit sa tirahan ng pamilya Chavez.

Dakong 11:40 pm nang dumating si Marcial sa kanilang tipanan ng inaakala niyang dalagang kanyang ka-chat at pagkababa pa lamang niya ng sinasakyang motorsiklo, sinalubong kaagad siya ng suspek at inundayan ng sunod-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bagama’t sugatan, nagawa pang maka­takbo ng ‘mensaherong malibog’ ngunit hinabol siya ng suspek at nang abutan ay muling pinag­sasaksak hang­gang dumating ang mga tauhan ng barangay saka inaresto si Chavez na nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder.

(Rommel SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *