Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH kailangan ng batas laban sa kahirapan at gutom

NANAWAGAN ang National Food Coalition (NFC) sa pamahalaan na magpasa ng batas na magsisiguro para labanan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.

Sinabi ni Aurea Miclat-Teves, presidente at convenor ng National Food Coalition (NFC) , isang non-government group, nais nilang tumulong sa mga lider ng bansa para sa pag­susulong ng mga tamang polisiya para malabanan ang kahirapan at at kagutuman sa Filpinas.

Ang naturang hakbang ay upang maipatupad ng gobyerno ang National Food Policy (NFP) na tutugon sa pangunahing concern sa pagkain at kahirapan sa bansa.

Nabatid na noong naka­raang linggo ay nagsagawa ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ng serye ng konsultasyon sa stakeholders sa go­byerno at pribadong sektor sa NFP.

Ayon kay Nograles sa nasabing konsultasyon ay nagresulta ng inputs, comments at suggestions sa NFP na inilunsad noong Oktubre. Iginiit ni Miclat-Teves, kahit na nagtatag ng task force ang gobyerno ay kailangan pa rin ng batas para sa national food policy sustainable.

“This could also serve as a legal back-up to any economic and social program on hunger and poverty,” ayom kay Miclat-Teves. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …