NAPAHAWAK sa dibdib niya ang Superstar na si Nora Aunor dahil sa ginawa ng Godfather Productions honcho na si Joed Serrano.
Sa pamamagitan ni Direk Adolf Alix, nagkaroon ng audience si Joed kasama ang limang alaga niya sa naturang produksiyon para pag-usapan ang inialok ding istorya ng director sa kanya intended para sa paborito nitong aktres na si Mama Guy nga.
Eh, hindi nagkamali si Direk Adolf ng nilapitan. Dahil certified Noranian naman pala si Joed.
The plans were laid on the table.
At humantong sila sa pamagat na Kontrabida na sa kauna-unahang pagkakataon, sa buhay niya bilang artista, ngayon lang ito magagampanan ni Mama Guy. Pumayag naman ito.
At dito naman papasok ang una sa mga alaga ni Joed sa kanyang produksiyon na si Charles Nathan para makasama at magkaroon ng bida role sa pelikula (na kasama rin sa iba pang proyekto ng Godfather Productions).
Kung bahay at lupa ang nairegalo ni Joed sa ibang mga alaga niya sa pagsisimula at pagpapatuloy sa pagtahak sa isang magandang buhay, si Charles na mas nakakaalwan sa mga “kapatid” niya kay Joed ay puhunan para sa isang restaurant ang hiniling kay Ninong Joed.
Bilib si Joed kay Nathan. Na bata pa pala eh, pinangarap na rin na mapabilang sa mga taong hinahangaan sa pelikula man o sa TV. At suportado naman siya ng mga magulang.
Dagdag ni Joed, “Lahat sila, mahal ko. Espesyal. Si Charles, nang makilala ko, mayroon na akong pulis (BF) sa buhay ko. Kung wala, posibleng siya ang naging pulis ng buhay ko. No, hindi naman nagseselos si pulis ko kasi alam niya naman lahat. At sa parteng natutulungan ko ang lahat ng mga inaalagaan natin ngayon sa mga buhay nila eh, ‘yun ang mas tinitingnan niya. He also has a big heart. Kaya alam ko, hindi kami magkaka-problema.”
Bukod sa Anak ng Macho Dancer na nagkaroon ng one-on-one acting workshop with award-winning actress Ruby Ruiz si Nathan, at tinulungan ng mga kasama sa paggiling sa harap ng kamera, siya ang makaka-eksena ng Superstar sa Kontrabida before he will be fully launched in Matinee Idol.
Joed’s mind never stops.
So, bakit napahawak sa dibdib niya ang Superstar nang magkita sila?
“Nagulat si Mama Guy. Kasi, after ng mga usapan about the project, ibinigay ko na ang down payment niya for the project. Kaya, hindi siya makapaniwala.”
Pwede malaman kung magkano?
“An ample amount fitted for a Superstar. She deserves that amount. Wala ng tawad-tawad pa. Alam ko na ‘yun ang dapat na ibinibigay sa isang Superstar. Actually lalo siyang nagulat kasi, may ipinahabol pa uli ako. Pampa-good luck lang. Eh, buti hindi natumba. Humawak na lang sa dibdib niya. Hindi makapaniwala.
“Ang mga bagets naman, lalo na si Nathan, tuwang-tuwa. Kaya nagpa-souvenir shots agad, with social distancing naman at pag-iingat kahit nga naka-pajama lang si Mama Guy. Doon sa Eastwood where she stays. Kaya masaya rin siya, magsasama uli sila nina Bembol (Roco) and Rossana (Roces). Challenging in a different way. Para rin sa mga bagets!”
Ang pakiramdam ni Nathan?
“Natutuwa. Lalo na sa mga plano sa amin ni Godfather Joed. Na mabigyan kaming lahat ng pagkakataon na makilala at magtuloy-tuloy sa pinapasok namin. Aware naman kami na hindi forever thing ang showbiz. Kaya sa guidance nila, niyo alam namin ang mga dapat naming gawin. Para isama sa Superstar, ano pa ba ang magandang pakiramdam na mailalarawan? Excited na po!”
Ganyan gumalaw si Joed. Walang pinalalampas na pagkakataon. Isinasaayos agad ang mga dapat na maging prioridad. Kaso, lahat prioridad! Sabay-sabay na prioridad.
Hindi man sa poolside gaya ng kay Ricky Gumera ang pagpapakilala kay Nathan sa press, alam niya na kanya-kanya sila sa mga pasabog ni Godfather o Ninong Joed sa bawat isa sa kanila!
Ang gandang Pasko!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo