Tuesday , December 24 2024

John Arcilla, excited makatapat sina Jinggoy at Ipe

MAPANSIN man o hindi ang magaling na acting ni John Arcilla sa Metro Manila Film Festival 2020 entry na Suarez, The Healing Priest, ay okey lang sa kanya.

Katwiran ng magaling na actor, “Siguro sa itinagal-tagal na nating uma-attend ng festivals, even abroad, lahat naman ng actor you want to be recognized sa work mo.

“Kaya lang karaniwan naman kasi kung hindi ka nanalo mapu-frustrate ka. So sabi ko, hindi na lang ako maniniguro kung ‘yun palang nakikita ng tao na performance mo na award worthy, so thank you so much. Kung hindi naman okey na rin sa akin.

“Okey na sa akin na na notice nila na ward worthy ang aking performance.”

Ukol naman sa sinasabing strong contender niya sa pagka-Best Actor sina Jinggoy Estrada at Phillip Salvador, ani John, “Huwag naman magagalit sa akin si Phillip Salvador, pero kinalakihan ko na ang acting niya, ha ha ha.

“And then siyempre pati si Jinggoy. Kaya para sa akin, isang malaking honor na ‘yung mga icon noong unang panahon eh, katapat ko sa nominations as nominees. Sobrang saya and it’s an honor sa totoo lang.”

Masaya naman si John na marami na ang tumatawag sa kanya bilang Father dahil nga sa pagganap niyang pari sa pelikula.

“Masaya kasi noong una tinatawag nila akong Heneral dahil sa ‘Heneral Luna.’ Ngayon naman Father Heneral, ha ha ha. Minsan Hipolito (role sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’) Kapag tinatawag ka sa mga role mo, it’s flattering, they appreciate the work you do.”

Naikuwento pa ni John na ang pinaka-significant na tagpo sa Suarez, The Healing Priest ay iyong pinagbintangan na si Father Suarez na gusto siyang parusahan ng ilang bahagi ng simbahan. “Iyon ‘yung nasasaktan na siya, parang hinahanapan na siya masyado ng mali.”

Sa kabilang banda, umaasa si John na tatangkilikin ng netizens ang kanilang entry sa MMFF na idinirehe ni Joven Tan dahil very timely ang istorya nito lalo’t may pandemic ngayon.

“Naniniwala ako na tatangkilikin itong pelikula namin lalo’t marami siyang (Father Suarez) followers at marami ang naghihintay nitong pelikulang ito at para sa kanila karugtong itong pelikulang ito ng pagmamahal nila kay Father Suarez.

“Sana hindi ako magkamali at sana ay suportahan ito ng lahat ng mga naniniwala kay Father Suarez at sana lahat din tayo. At sana lahat ng pelikula rito sa MMFF bigyan ng pagkakataon ng mga Filipino, for the first time rito sa online MMFF na parang nakaka-excite.”

Pakiusap pa ni John na, “Suportahan sana ninyong lahat ang mga pelikulang kalahok sa MMFF lalong-lalo na ang ‘Suarez’ dahil napapanahon ang pelikulang ito lalo na ngayong pandemya. Lahat ng ating mga tanong, mga takot, ang ating mga pangamba tungkol sa nangyayari sa ating mundo at bayan, sa mga kalamidad, malaking bagay na panoorin natin ito para makita natin ‘yung halimbawa kung paano kumapit sa pananampalataya sa gitna ng maraming pagsubok.

Kasama rin sa Suarez, The Healing Priest sina Rita Avila, Jin Macapagal, Marlo Mortl, Troy Montero, Alice Dixson, Jairus Aquino, Dante Rivero at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *