Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galing ni Lotlot sa 1st Sem, ibabandera sa US at Canada

NOONG September 2016 ay gumawa ng history si Lotlot de Leon. siya ang pinakauna at nag-iisang aktres na binigyan ng parangal sa 2nd All Lights India International Film Festival (ALIIFF) na ginanap sa Hyderabad, India.

Ito ay para sa pelikulang 1st Sem na pinagbidahan ni Lotlot at ng newbie actor na si Darwin Yu.

Sa naturang awards night kasi, walang acting category, walang artistang nominado kundi mga pelikula, director, at technical aspects ng mga pelikulang nominees.

Pero matapos na mapanood ng mga hurado ang pelikula isang araw bago ang awarding, napagdesisyonan nila na bigyan ng parangal (Special Acting Citation) for the first time, ang isang artista, at ito nga ay ang aktres na si Lotlot!

Ang 1st Sem ay idinirehe ng noon ay mga first-time film directors na sina Dexter Hemedez at Allan Ibanez.

Nagwagi naman ang pelikula sa kategoryang International Competition For Feature Films For Debut Directors.

Ang mga nakalaban ng Pilipinas ay mga film entries mula sa Canada, Israel, China (2 entries), Iran (2 entries), Germany, at United States.

At ngayong 2020 magkakaroon muli ng screening at Q&A sa USA at Canada ang award-winning film na 1st Sem sa December 13, 2020, Sunday, 5:00 p.m., PST, (December 14, 2020, Monday, 9:00 a.m. sa Pilipinas).

Pagkatapos ng screening, may LIVE Q&A na lalahukan ni Lotlot (live mula sa Pilipinas) na nagwagi sa All Lights India International Film Festival at Worldfest Houston para sa kanyang mahusay na pagganap sa 1st Sem.

Kasama rin sa Q&A ang writers-directors ng 1st Sem na sina Allan at Dexter na nasa Amerika sa kasalukuyan.

Maaaring makausap at maka-chat ng mga lalahok si Lotlot  via Zoom.

Inorganisa ng La Habra Arts Association at Helpers of Mankind (parehong based in California) ang screening at Q&A ng 1st Sem.

Napanood ng presidente ng La Habra Arts Association na si Luz Spanks ang 1st Sem nang mag-premiere ito sa American Film Institute sa Hollywood noong Nov. 8, 2017. Nagustuhan niya ang pelikula dahil sobrang nakare-relate siya sa character ni Lotlot.

Ani Spanks, mas naintindihan siya ng kanyang pamilya dahil sa pelikula. Kaya naman ipinangako niya na mag-o-organize siya ng sariling screening ng 1st Sem sa La Habra. Dapat ay ipalalabas ang 1st Sem noong June 2020 sa mga art center at libraries sa La Habra bilang bahagi ng educational program pero dahil sa coronavirus restrictions ay hindi ito natuloy.

Libre ang event pero puwedeng mag-donate ang mga manonood.

Ang makokolektang funds ay ido-donate sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Pwedeng mag-donate sa [email protected] through Zelle, Venmo o Paypal.

Umani na rin ng iba’t ibang awards at recognition ang 1st Sem sa South Korea, Canada, Spain, Russia, USA, at India.  Naging bahagi rin ito ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2020.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …