Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cong. Alfred, naiyak sa script ni Ricky Lee na Tagpuan

TAHIMIK pero tumatagos sa puso ang film festival entry na Tagpuan nang magkaroon ito ng press preview kamakailan.

Given na ang husay sa aktingan ng dalawa sa lead actors na sina Alfred Vargas at Iza Calzado pero rebelasyon ang ipinamalas ni Shaina Magdayao sa kanyang character, huh!

Ibang atake rin ang direksiyon ni Mac Alejandre dahil hindi ito tulad ng melodramatic na love stories o triangle na umaapaw ang sagutan, sigawan, at sampalan ng magkatunggaling babae, huh!

“Isa ito sa pinakapaboritong project na ginawa ko as an actor, producer. Ang sarap mag-shoot sa Hong Kong at sa New York. Parang first time!

“Mahirap siya in the sense na hindi namin alam what to expect. Tapos, biglang magkaka-rally dito, rally doon sa Hong Kong. Pero ang ganda ng chemistry namin nina direk Mac, Shaina, Iza so dumali ang shooting.

“Tapos ‘pag mapapadaan sa shooting ang mga tao sa Hong Kong at sa New York, mapapansin mo somehow, bilib sila sa mga Filipino eh. I’ve never experienced Hong Kong and New York in that way!

“Usually tourist tayo pero nang ma-immerse ako sa film, sa character, hindi ko makakalimutan ito. It’s a dream come true to shot a film in New York and Hong Kong,” pahayag ni Alfred nang interbyuhin ang press.

Naiyak si Alfred nang mabasa ang script ni Ricky Lee.

“Naging emotional ako when I read the script and I told myself, I have to do this film kasi iba ito. Hindi ito ‘yung usual ko na telefantasya. Hindi usual roles ko.

“It’s an adult take on live, philosophy and pain! Napakalalim at napakasakit ang character and that compelled me to do this project!” rason ng actor-politician.

First time ni Alfred to work with Shaina at aminado siyang na-mesmerize sa galing niya.

“Nagugulat ako! Wow, ibang Shaina ang nakikita ko!” deklara ni Alfred.

Puwede nang mag-book ng tickets sa Tagpuan via Upstream.PH.

Malaki rin ang chance na lumaban ang movie as Best Picture at best performances sina Alfred, Iza, at Shaina, at best director si direk Mac.

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …