Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo Mendoza, wish makapagbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng music

NAKILALA ang newbie singer na si Carlo Mendoza sa kanyang debut single titled Pasensya, na available sa digital platforms tulad ng Spotify, iTunes, at Youtube.

Si Carlo ay 22 years old at kasalukuyang nag-aaral sa College of Saint Benilde ng Music Production. Ang singer-composer ay naging parte na ng isang musical play.

Kinamusta namin kung nakagawa ba siya ng pandemic song sa kasagsagan ng Covid-19?

Tugon ni Carlo, “Hello po tito. Wala pa po akong nagagawa about pandemic po, eh. Pero nag-start na po kaming mag-arrange ng upcoming songs po.”

Iyan ba ang kanyang possible na next single? “Opo. Original song ko rin po. Ngayon po tatlong song yung tinatrabaho namin. And once natapos na po yung tatlo, roon po kami mamimili ng next single,” nakangiting esplika pa niya.

Paano niya ide-describe ang three new songs na ito? Lahad ni Carlo, “Actually yung three songs po na ‘to ay medyo iba sa Pasensya. Kasi more on emotions and lyrics po yung hina-highlight ko sa songs na ito and more on subtle and vibe. Gusto ko po kasing i-showcase yung versatility and range ng songs na nagagawa ko po.”

Sinabi rin ni Carlo kung ano ang wish niya sa pagpasok ng year 2021. “Sa pagpasok po ng 2021, sana ay matapos po namin yung songs para ma-release na yung independent EP (Extended Play) ko po.

“Iyong wish ko pa po this coming year, ma-perform ko po sana ng live yung mga songs na nagawa ko and maka-meet ng iba’t ibang tao within the industry,” sambit pa niya.

Ano’ng gusto niyang mangyari sa kanyang career? “Ang wish ko po sa career ko is mabigyan po ako ng malaking platform to inspire people especially the youth and aspiring artists na kagaya ko po. Gusto ko pong magkaroon ng impact sa buhay nila through my music,” saad pa ng talent ni katotong Jobert Sucaldito.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …