MATAGAL na palang gustong makatrabaho ni Cong. Alfred Vargas si Shaina Magdayao. Kaya naman natuwa ito nang malaman niyang isa ang nakababatang kapatid ni Vina Morales sa makakasama niya sa Tagpuan, isa sa Metro Manila Film Festival 2020 entry, prodyus ng Alternative Vision Cinema, kasama si Iza Calzado.
“Firt time kong makasama and I’ve always wanted to work with Shaina. And alam mo si Shaina, medyo nakagugulat ‘yung performance niya rito. I was mesmerized by her performance.
“Kahit mismong take na kapag magkaharap na kami, kahit ako nagugulat pa ako. Sabi ko, ‘wow! Ibang Shaina itong nakikita ko. And she gave such a mesmerizing performance rito. And napaka-professional, never na-late, walang kiyeme-kiyeme. Never nag-complain.
Giit pa ni Alfred, “Ang galing! And I hope makatrabaho ko pa uli siya sa iba pang projects.”
Si Iza naman ay nakatrabaho na niya before.
“Kami naman ni Iza parang nag-reunion. Nakatrabaho ko na siya, from ‘Encatadia,’ ‘Impostora,’ ‘All About Eve,’ pati ‘yung ‘ESP’ show namin before.
“Pero to act alongside with Iza and Shaina, two of the best actresses of our generation eh, talagang feeling ko, wow! sobrang ano… a great honor for me na makasama ang dalawang ito. Tapos directed by Mac Alejandre pa and written by Ricky Lee,” masayang kuwento pa ni Alfred na posibleng magtuloy-tuloy ang pagpo-produce.
Aminado naman si Alfred na nahirapan siya sa tahimik na acting kompara sa mga nagawa na niya sa ibang pelikula.
“Mas mahirap. Kasi ganoon ang style ni Ricky Lee. Sabi ko nga ang experience ko nagre-rehearse kami, rehearse ng rehearse. Basa ng basa ng script, pero pagdating sa set, bibitawan mo na naturally ‘yung mga line.
“Ngayon, kanina noong napanood ko (sa screening na isinagawa), parang may nakita na naman akong bagong dimension niyong character. Ganoon pala iyon, ganoon pala ang pagkakasulat ni Ricky Lee.
“So you just have to trust the script, tapos isapuso mo lang ‘yung role. Tapos marami ng mangyayari.”
Sa totoo lang, napa-wow! si Alfred nang mapanood ang Tagpuan sa bigscreen sa ginanap sa Sine Pop.
Nang matanong naman kung ano ang naka-attrack kay Alfred para iprodyus ang Tagpuan, nasabi nitong, “When I first read it, una may bias na kasi Ricky Lee. Sabi ko, masuwerte ako kasi nakatrabaho ko na ang the likes of Eddie Romeo, Mario O’Hara, tapos ito Mac Alejandre at Ricky Lee pa, ‘yung script.
“Tapos when I read the script, naiyak ako. Tumagos sa puso ko at medyo emotional ako when I was reading the script. And I told to myself I have to do this project, whatever happens kasi iba ito eh. Hindi na ito ‘yung usual na telefantasya. Hindi rin ito na usual roles ko. And it is a very adult take on love on lifes, philosophy and passion and pain.
“Actually napakalalim and napakasakit ng character and napakahirap ng role ko. And that, it was compelled to and told sa sarili ko I have to do this project,” dagdag pa ng actor.
Puwede nang mag-book ng tickets sa Tagpuan via Upstream.PH.
Ang Tagpuan ay isang romantic drama na kinunan sa Hong Kong at New York at idinirehe ni Mac Alejandre.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio