Saturday , November 16 2024

Pasistang diktador pangarap ni Digong (Peace talks kaya ibinasura )

PINATAY ang peace talks dahil traidor at gustong maging pasistang diktador ni Duterte.

Ito ang ipinahayag ni Jose Maria Sison kaugnay ng pahayag ni Pagulong Rodrigo Duterte sa peace talks.

Ani Joma, pinatay ni Duterte ang peace negotiations dahil siya’y traidor na sumusunod sa dikta ni US President Donald Trump at ambisyong maging pasistang diktador.

“He has killed the peace negotiations at least for the time being that he is in his current position because he is a traitor following the dictate of Trump and because of his ambition to become a fascist dictator,” pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa isang kalatas.

Ginagaya aniya ni Duterte ang idolong si dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya’t nagwasiwas ng all-out war at state terrorism campaign na ikinukubli bilang anti-communism upang maisakatuparan ang “absolute power and absolute corruption.”

“Imitating his idol Marcos, he has to go on an all-out war and on a campaign of state terrorism under the pretext of anti-communism in order to realize absolute power and absolute corruption,” ani Sison.

Binigyan diin niya na traidor si Pangulong Duterte na nagsusumikap na maging tuta ng dalawang imperyalistang kapangyarihan, US at China, na nagtutunggalian.

Pinananatili aniya ni Duterte ang pangkalahatang paghahari ng US imperialism sa Filipinas dahil nakadepende sa military support ng Amerika upang brutal na supilin ang mga mamamayan.

“At the same time, he has sold out  to China the sovereign rights of the  Filipino people over the West Philippine Sea because of the  bribes he gets from contracts with the Chinese state and corporations and from shady deals with Chinese criminal syndicates with regard to illegal drugs and casinos,” aniya.

“By taking advantage of the pandemic, Duterte has stolen a large amount of public funds and has railroaded the enactment of the Anti-Terror Law in order realize his fascist dictatorship even before charter change and proclamation of nationwide martial law. Because he is physically and mentally sick, he also intends to  pass on his fascist rule to his stooge in order to prevent  his prosecution and trial for his gross and systematic human rights violations,” dagdag ni Sison.

Ibinisto ni Sison na si Pangulong Duterte ang nagpumilit na sumali sa coalition government ng CPP noong nakikipagmabutihan pa sa kanila noong Davao City Mayor at nang niligawan ang suporta ng legal democratic forces sa pagtakbo niya sa 2016 presidential elections.

“It was Duterte who kept blabbering about joining a coalition government with the Communist Party of the Philippines when he was an unreliable and unstable bureaucrat capitalist ally and was ingratiating himself with the revolutionary movement as a Davao City mayor and when he was seeking the support of the legal democratic forces when he ran for the presidency,” pahayag ni Sison.

Ni minsan aniya ay hindi tinalakay ang isyu ng coalition government kay Duterte o sa mga nauna sa kanyang pangulo ng bansa sa mga ginanap na negosasyong pangkapayapaan.

Ipinagmalaki ni Sison na may kakayahang manatili at magpaunlad ang ‘people’s revolutionary government’ sa kanayunan nang walang tulong ni Duterte at mga katulad niya.

Nagsinungaling umano ang Pangulo nang sabihin na inalok siya ng puwesto sa guni-guning imbitasyon sa isang colaition government.

Giit ni Sison, ni hindi nga kalipikado si Duterte na maging consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) nang ialok ang sarili.

“Duterte is lying about being offered a place in what he imagines as invitation to a coalition government. He  could not even qualify as NDFP consultant when he offered himself to become one,” dagdg ni Sison. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *