Tuesday , December 24 2024

Cleaners ni Glenn Barit, nakakuha ng 10 nominasyon sa #PPP4SamaAll Awards Night 

SIYAM mula sa 13 pelikula sa Premium Selection Section ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang ikinonsidera para pagpilian ng mga nominado sa #PPP4SamaAll Awards Night na gaganapin sa December 12 sa pamamagitan ng virtual awards.

Tampok sa PPP Premium Selection ang mga titulong may limited release sa bansa o hindi pa naipalalabas kasama ang  non-competition title, opening film tulad ng Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag ni National Artist for Film Kidlat Tahimik, at ang tatlong restored na pelikulang Batch ’81 ni Mike de LeonBrutal ni Marilou Diaz-Abaya, at Markova: Comfort Gay ni Gil Portes.

Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), tanging ang Premium Selection films na may Philippine premieres sa PPP o may limited releases ang nakasama sa PPP4 Awards nominations:

Ito ay ang mga sumusunod: Blood Hunters: Rise of the Hybrids ni Vincent SoberanoCleaners ni Glenn Barit; Come On, Irene ni Keisuke YoshidaHe Who Is Without Sin ni Jason Paul LaxamanaKintsugi ni Lawrence FajardoMetamorphosis ni J.E. Tiglao; Sila-Sila ni Giancarlo AbrahanThe Helper ni Joanna Bowers; The Highest Peak ni Arbi Barbarona.

Nakakuha ng 10 nominasyon ang Cleaners ni Barit samantalang parehong siyam ang Kintsugi at Metamorphosis, at walo naman ang sa He Who Is Without Sin.

Magbibigay din ang FDCP ng special recognitions sa #PPP4SamaAll Awards Night sa December 12, Saturday, at 8:00 p.m. Mapapanood ito sa  Facebook page at YouTube channel of the FDCP.

Samantala, magbibigay saya naman mula sa kanilang musical performances sina Raf Bernardino, Acel Bisa, Bayang Barrios, at Naliyagan, Joey Ayala, Ice Seguerra, at Ms. Regine Velasquez.

Ang 4th PPP, na may 170-film lineup with 90 full-length feature films at 80 short films, ay magtatapos sa December 13. Nakakuha ito ng 8,000 subscribers simula nang mag-umpisa noong October 31.

Layunin ng festival na mayroong #PPP4SamaAll tagline na magkaroon ng solidarity na mai-promote ang Philippine Cinema at mapalakas ang Filipino film industry habang mayroong Covid-19.

Narito ang kabuuang listahan ng mga nominado sa #PPP4SamaAll Awards Night:

BEST PICTURE

  • Cleaners
  • He Who Is Without Sin
  • Metamorphosis
  • Kintsugi
  • The Highest Peak

BEST DIRECTOR

  • Glenn Barit (Cleaners)
  • Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin)
  • J.E. Tiglao (Metamorphosis)
  • Lawrence Fajardo (Kintsugi)
  • Arbi Barbarona (The Highest Peak)

BEST ACTRESS

  • Sarah Chang (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
  • Nats Sitoy (Come On, Irene)
  • Hana Kino (Come On, Irene)
  • Hiro Nishiuchi (Kintsugi)

BEST ACTOR

  • Ken Yasuda (Come On, Irene)
  • Gold Azeron (Metamorphosis)
  • Gio Gahol (Sila-Sila)
  • Elijah Canlas (He Who Is Without Sin)

BEST SUPPORTING ACTRESS

  • Iana Bernardez (Metamorphosis)
  • Yayo Aguila (Metamorphosis)
  • Gianne Rivera (Cleaners)

BEST SUPPORTING ACTOR

  • Phi Palmos (Kintsugi)
  • Topper Fabregas (Sila-Sila)
  • Roweno Caballes (The Highest Peak)
  • Allan Gannaban (Cleaners)
  • Henyo Ehem (The Highest Peak)

BEST SCREENPLAY

  • J.E. Tiglao and Boo Dabu (Metamorphosis)
  • Glenn Barit (Cleaners)
  • Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin)
  • Herlyn Alegre (Kintsugi)
  • Daniel Saniana (Sila-Sila)

BEST CINEMATOGRAPHY

  • Boy Yñiguez (Kintsugi)
  • Steven Paul Evangelio (Cleaners)
  • Takeyuki Onishi (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
  • Tey Clamor (Metamorphosis)
  • Emmanuel Liwanag (He Who Is Without Sin)

BEST EDITING

  • Noah Loyola and Che Tagyamon (Cleaners)
  • Mai Calapardo (He Who Is Without Sin)
  • Lawrence Fajardo (Kintsugi)
  • Renard Torres (Metamorphosis)
  • Annika Lok Yin Feign (The Helper)

BEST PRODUCTION DESIGN

  • Alvin Francisco (Cleaners)
  • Hai Balbuena and Rolando Inocencio (Kintsugi)
  • James Arvin Rosendal (Metamorphosis)
  • Lars Magbanua (He Who Is Without Sin)
  • Fritz Silorio (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)

BEST SOUND DESIGN

  • Shichihei Kawamoto and Yuji Akazawa (Come On, Irene)
  • Dale Martin (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
  • Aian Louie Caro and Erlyn Tomboc (He Who Is Without Sin)
  • Arbi Barbarona (The Highest Peak)
  • John Michael Perez and Daryl Libongco (Cleaners)

BEST MUSICAL SCORE

  • Glenn Barit (Cleaners)
  • Arbi Barbarona (The Highest Peak)
  • Peter Legaste (Kintsugi)
  • Dale Martin and Tamara dela Cruz (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)
  • Igo Gonzalez (Sila-Sila)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *