Saturday , November 16 2024

Pagtatwa ni Duterte sa narco-list, karuwagan – HRW  

ITINATWA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang narco-list kahit paulit-ulit niyang binabasa ito sa harap ng publiko mula noong 2016 matapos mapaslang ang isang alklade na kasama sa listahan.

Para sa Human Rights Watch, isang malaking karuwagan ang pagdistansiya ni Duterte sa ipinangalandakang narco-list.

Sa kanyang public address kamakalawa, humingi ng paumanhin si Duterte sa pamilya ni Los Baños Mayor Cesar Perez na binaril sa loob ng munisipyo kamakailan.

“That list is not mine. It is a collation. All that came from intelligence reports of drug enforcement, police and military,” sabi niya.

“I’m sorry if your father was there. But really, most of those (on the list) are into drugs. Your father might be an exception,” dagdag niya.

Isa lang si Perez sa mga alkalde na nasa narco-list na pinatay mula noong 2016.

Para kay Phil Roberston, deputy Asia director at Human Rights Watch, hindi maaaring itanggi ni Duterte ang pagkakasangkot sa karahasang sinapit ng mga nasa narco-list na ginamit ng Punong Ehekutibo bilang political propaganda sa loob ng maraming taon upang iangat ang kanyang popularidad.

“For him to disavow how these lists were used by law enforcers to violate the civil liberties and human rights of those listed is not only disingenuous – it is cowardly,” ani Robertson sa isang kalatas.

Si Perez ang ika-22 lokal na opisyal na pinatay sa mahigit apat na taong administrasyong Duterte. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *