TULOY pa rin ang paghahatid ng Serbisyong Totoo ng Kapuso Network. Kamakailan ay pumirma ang GMA ng kasunduan sa Department of Education (DepEd) na libreng ipagagamit ng Network ang digital channel nito para sa blended learning program ng kagawaran.
Ginanap ang virtual Memorandum of Agreement signing noong Disyembre 4 na dinaluhan nina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., at Department of Education Secretary Leonor M. Briones.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Atty. Gozon na ikinatutuwa nilang ipagamit sa DepEd ang kanilang digital channel. “GMA Network recognizes the challenges our country faces in the middle of this pandemic and will do its part to support the country’s efforts to curb the spread of COVID-19, while continuing to enrich the lives of Filipinos in ways that we can. It is therefore our honor and privilege to join forces with the Department of Education and provide our TV platform for free to enable our young learners access to broadcast education while keeping them safe at home,” wika niya.
Mapapanood ang DepEd TV nationwide, Lunes hanggang Sabado, mula 7:00 a.m.-7:00 p.m.. Magsisimula ang test broadcast nito sa kalagitnaan ng Disyembre sa Channel 7 ng GMA Affordabox.
Rated R
ni Rommel Gonzales