Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, wagi bilang Favorite Kontrabida sa LionhearTV RAWR Awards 2020

“AND the winner is… Aiko Melendez!”

Sa isa na namang pagkakataon ay pinatunayan ni Aiko na siya ay isang mahusay na aktres!

Kinabog ng Prima Donnas actress bilang Favorite Kontrabida sina Kyle Velino (Gameboys The Series); Yam Concepcion (Love Thy Woman); John Arcilla (FPJ’s Ang Probinsyano); Dimples Romana (Kadenang Ginto); Jodi Sta. Maria (Ang Iyo Ay Akin); Martin del Rosario (The Gift), at Sheryl Cruz (Magkaagaw).

Ang pagkapanalo ni Aiko na ito ay para sa katatapos lamang na LionhearTV RAWR Awards 2020!

Ginanap nitong December 5 ng gabi via virtual awarding ceremony, kinilala ang husay ni Aiko sa kanyang hindi matatawarang pagganap bilang Maria Kendra Fajardo-Claveria sa Prima Donnas ng GMA.

“Maraming salamat RAWR Awards! 

“I am humbled. To my Prima Donnas family para sa ating lahat po ito!

“Best birthday gift ever,” umpisang pasasalamat ni Aiko na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa December 16.

Inialay din ni Aiko sa kanyang pamilya at mga tagasuporta ang kanyang award.

“Sa family and fans ko po, salamat po! Andre Yllana, Marthena Jickain.”

At siyempre, hindi kinalimutan ni Aiko na espesyal na banggitin ang kanyang kasintahang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.

“And baby VG Jay Khonghun thank you. You are my inspiration! Cheers to more awards!

“Masayang-masaya ako and winning an award during a pandemic is such a big blessing from the Lord. I am humbled.”

Sinabi rin ni Aiko na kahit kontrabida ay maraming aral na matututuhan ang viewers kay Kendra.

“Mga pagtataray at ang journey ng pangarap ni Kendra na maging legit na Claveria ang dapat nilang abangan.

“And marami silang matututuhan sa character ni Kendra, not just hate, ipakikita sa show namin na ‘di lahat ng pangarap ng tao ay matutupad lalo na kung makakasakit ka ng tao.

“At ang hangganan ng pagmamahal ng isang tao, hindi lagi nakabubuti.

“Too much of everything is bad,” pagtatapos pang wika ng aktres.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …