Kaya malinaw na na-misinterpret lang siya sa ipinahayag sa isang panayam.
Naging kontrobersiyal kasi ang tinuran ni John nang nag-guest sa programa nina Gorgy Rula at Morly Alinio sa DZRH noong December 4. Hiningan ng sagot ang singer-composer kung ano ang masasabi sa muling pag-nominate sa Superstar bilang National Artist.
Aniya, “Kung ako sa kanya, ibigay sa akin, hindi ko na tatanggapin. Tatanggihan ko na lang… Hindi ko na kailangan iyan. Kilala ko na ang sarili ko.”
Sa totoo lang, nasasaktan si John kapag ukol sa usaping National Artist. Bilang matalik na kaibigan ni Nora, minsan ay may nasasabi siyang hindi maganda dahil siguro dalawang beses nang iniligwak ang Superstar sa parangal na ito lalo na noong panahon ng dating Pangulong Noynoy Aquino.
Pero hindi lang si John ang may ganitong naramdaman nang unang i-nominate ang aktres at hindi ipinagkaloob sa kanya. Maraming mga tagahanga at mga kaibigan ang Supestar na desmayado at nagalit.
Marami ngang mga samahan ng guro sa iba’t-ibang unibersidad ang hindi nagustuhan ang desisyon noon ni PNoy, kaya naman binigyan siya ng award bilang People’s National Artist.
Pero sa totoo lang, sa puso ni John ay magiging maligaya siya kung gagawaran ang Superstar ng long overdue na award na ito. Ngayon pa ba niya iiwan sa ere ang kaibigan na matagal na silang nagdadamayan?
ni Nonie Nicasio