NAPAPANSIN lang namin na nanunumbalik na ang sexy movies, mukhang nauuso na naman ito.
Marami na namang gumagawa ng sexy films na ang mga artista rito ay nagagawang maghubad, sikat man o hindi.
Gaya ni Enchong Dee, na walang takot na naghubo’t hubad sa pelikula nila ni Jasmine Curtis Smith na Alter Me.
Sino nga ba ang mag-iisip na kakayanin at magagawa ni Enchong ang mag-daring?
Ang malapit nang ipalabas na Anak Ng Macho Dancer ay isa ring sexy film. Mula ito sa Godfather Productions ni Joed Serrano, na isa sa bida si Ricky Gumera.
Ang binata ay walang takot na nag-frontal dito.
Sabi nga ni Ricky, may maipagmamalaki naman siyang kargada kaya magagawa niya itong ipakita.
Dahil nga sa pagiging dakota ni Ricky, kaya plano ni Joed na gawin ang Anak Ni Totoy Mola, na bida ang itinanghal na Mister Global 2019.
Ang Totoy Mola ay pinagbidahan noon ni Jay Manalo. Kinuha siyang bida rito, dahil kilala ang aktor na nagtataglay ng malaking ari.
Si Ricky na nga ang tagapagmana niya sa pagkakaroon ng mala-anacondang nota kaya siya ang kinuhang bida ni Joed sa Anak Ni Totoy Mola.
O ‘di ba bongga si Ricky na sa paggawa niya ng mga sexy film siguradong siya na ang bagong pagpapantasyahan at mamahalin ng mga bading.
MA at PA
ni Rommel Placente