Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong sabik sa turok ng CoVid-19 vaccine

SABIK na sabik si Pangulong Rodrigo Duterte na maunang magpaturok ng bakuna kontra CoVid-19 vaccine para magsilbing halimbawa sa mga Pinoy na tangkilikin ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung maaaprobahan ng Food and Drug Administration (FDA) na emergency use authorization (EUA) ng bakuna.

“Definitely, as Spokesperson, I think the President is the best communication tool. So kung papayagan na po ng FDA, I think po mangunguna ang Presidente at nag-volunteer naman po siya, in fact gustong-gusto na niya,” aniya kahapon sa virtual press briefing.

Gustong ipakita aniya ni Pangulong Duterte sa buong bayan na ligtas at epektibo ang bakuna at dumaan sa experts panel group ng pinakadalubhasang Filipino at tiyak na dumaan sa highest endorsement.

Kaugnay nito, nangangamba aniya ang Palasyo na mabatikos ang administrasyon kapag naunang mabakunahan ang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Giit ni Roque, puwedeng gamitin ng mga kritiko ang sitwasyon at sabihin na mayroong VIP treatment gaya nang naging isyu sa PCR test.

Nauna nang inihayag nina Pangulong Duterte, Senador Bong Go at Health Secretary Francisco Duque III na handa silang unang magpaturok ng bakuna.

“Alam po ninyo, personal na desisyon iyan ng ating mga namumuno ‘no pero kapag nangyari po iyan, babatuhin na naman ang gobyerno na inuuna ng bakuna ang VIPs gaya ng nangyari doon sa PCR test ‘no. So either way talagang mayroon pong mga kritiko na mambabato,” paliwanag ni Roque.

Iginagalang naman ng Palasyo kung mayroon nang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang nais na magpaturok para magsilbing halimbawa na walang masamang epekto at ligtas ang bakuna.

“So kung mayroon pong ilang mga matataas na opisyal(es) na nais magpaturok para magsilbing halimbawa na wala naman pong masamang epekto sa kanila ang bakuna, we welcome that. Pero gaya ng aking sinabi po, tandaan ninyo ‘pag nangyari iyan, iyong oposisyon sasabihin na naman mayroong VIP treatment,” ani Roque. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …