Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, no way sa politika — Sinasabi ko sa libingan ng tatay ko, nangangako ako, hindi ako magiging politico

HINDI lang si Robin Padilla ang nadala o naiyak sa isinagawang premiere ng docu film na Memoirs of a Teenage Rebel sa Cinema 9 ng Sta Lucia Mall. Karamihan ay maririnig mong sumisinghot dahil sa makabagbag damdaming paglalahad ng mga nangyari ng dating mga miyembro ng New People’s Army.

Tampok sa docu film si Ivy Lyn Corpin, dating miyembro ng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan. Ikinuwento niya kung paano siya na-recruit o paano isinasagawa ang recruitment para maging kasapi ng NPA, mga nangyayari, training, at iba pa

Nagkuwento rin si Lady Miranda, ex-member din ng NPA na dumanas ng kalupitang hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Kasama ring nagkuwento si Miguel dela Cruz at iba pa

Ipinakita ni Robin ang dala-dalang lampin at sinabing para iyon sa pagluha niya. “Sa totoo lang kaya ako may dala nito dahil para sa luha. Siguro matagal na rin akong hindi nakakaiyak ng ganito. Ang sarap umiyak eh. Ang sakit sa dibdib eh.

“Noong ginawa namin ito, pinag-uusapan namin ito na gusto kong magpaluwag ng dibdib. Kasi ang tagal nating hindi gumawa ng ganitong pelikula.’Y ung mga pelikulang namulat tayo, istorya ng rebelde, istorya ng pulis, istorya ng sundalo, wala pang gumawa ng istorya ng mga nagbalik-loob.

“First time ito kaya noong napag-usapan namin, ‘yun ang gusto namin talaga. Para sa akin kung natuloy sana na naipasok siya sa Metro Manila Film festival, parang ‘Fahrenheit 9/11’ ito na nanalo sa Cannes, ‘yun ang dream ko eh.

“Pangarap ko na makita ito ng mga taga-pelikula. At hindi na ito bago sa akin tulad din ng mga nagawa ko noon na tulad ng Bonifacio, 10,000 Hours. Nandoon tayo sa paghahanap ng magandang istorya.

Ito ‘yung bago sa industriya natin. Wala kang mapapanood na ganitong version na nagbalik-loob.”

Iginiit ni Robin na hangad niyang marami ang makapanood nitong Memoirs of a Teenage Rebel.

Samantala, iginiit ni Robin na walang halong politika o personalan ang pagpapalabas nila ng docu film. “Walang personalan, ako ay isang film maker. Ako ay taga-pelikula na hindi ipinanganak kahapon, maraming taon na ako sa pelikula.

“Expression ko ito, kaya ‘wag nila akong tingnan ng masama. This is my job. This is my life. Ito ang the best story sa palagay ko sa panahong ito, kaya bakit naman nila ako pipigilang gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

“Kaya natutuwa ako na nagustuhan ninyo ang pelikulang ito. Kasi ang ipinupusta ng mga taong ito ay ang buhay nila. Sabi ko nga sa umpisa pa lang sana kahit ang bawat Filipino, ituring natin itong kaalaman. Isang kaalaman na napakasarap namnamin, kasi katotohanan.”

Sinabi pa ni Robin na hindi siya tatakbo sa anomang posisyon kahit patakbuhin pa siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mabilis na sagot ni Robin, “Ay hindi, hindi talaga. Hindi ako politician. Kapag ako naging politician ibig sabihin niyon, kalaban na ako ng NPA, propaganda na ito. Hindi ako politiko at kailanman hindi ako magiging politiko.

“Ako mahal ko ang bayan kong Pilipinas, ang gusto ko kapayapaan. Politiko?! Anong magagawa ko? Mananalo ako sigurado kung tumakbo ako. Pero hindi ako tumakbo, kasi ano naman ang gagawin ko roon? Mag-aaksaya lang ako ng pera mo. Hindi ako naniniwala sa sistemang military government. Sumama ako kay Digong kasi dahil sa federal government, ‘yun ang inaasahan ko.

Iginiit pa ni Robin, “Kaya ipagtanggol n’yo ako kapag sinasabing kakandidato ako, ipagtanggol n’yo ako. Sinasabi ko sa libingan ng tatay ko, nangangako ako, hindi ako magiging politiko. No way! Hindi ako ‘yun. Mas gusto ko magkasama tayo sa showbiz! Dito mayroon akong magagawa!.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …