Saturday , November 16 2024

Pulis na sinibak sa serbisyo arestado sa kotong

TIMBOG ang isang pulis na sinibak sa serbisyo habang nangongotong sa mga delivery truck ng isda sa isinagawang entrapment operation sa loob ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City, kama­kalawa ng gabi.

Nakasuot pa ng police field service uniform (FEU)  ang suspek na kinilalang si Don De Quiroz Osias II, 39 anyos, residente sa Rodriguez Subdivision, Dampalit, Malabon City nang arestohin ng mga tauhan ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido.

Dakong 8:30 pm nang maganap ang pagka­kaaresto sa suspek sa kahabaan ng  Bañera St., NFPC matapos tanggapin ang P100 marked money mula kay Pat. Patrick Quinto na umaktong truck helper.

Tinangka umano ng suspek na maglabas ng kung ano mula sa kanyang baywang kaya’t napilitan ang mga operatiba na putukan siya sa hita bago isinugod sa Tondo Medical Center (TMC) na ngayon ay binabantayan ng mga tauhan ng Maritime police habang ginagamot.

Narekober ng mga operatiba sa suspek ang P100 marked money, P470 cash at motorsiklo na gamit niya sa kanyang illegal activity.

Bago ang pagka­ka­aresto sa suspek, naka­tanggap ng maraming reklamo si P/Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-NCR mula sa mga delivery truck drivers ng isda na isang alyas Don, nagpa­paki­lalang miyembro ng Maritime police ang humihingi sa kanila ng pera dahilan upang isagawa ng mga tauhan ng MARPSTA ang entrapment operation laban sa suspek.

Positibong kinilala ng truck drivers na sina Bryan Alcantara, 36 anyos, Gilbert Delia, 48, Cyril John Diaz, 36, at Bonifacio Salinay, 47, si De Quiroz Osias na nanghihingi sa kanila ng pera tuwing dumaraan sila sa Bañera St., NFPC, NBBS Proper.

Nakatanggap din si Malabon police chief P/Col. Angela Rejano ng impormasyon na ang suspek ay napaulat na nag-AWOl dalawang taon na ang nakalipas matapos pumasok sa serbisyo noong 2008 at pinaghahanap ng pulisya dahil sa kanyang extortion activities sa Malabon City.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *