NABIBILANG na ang araw, PASKO NA! Kailangan ang mabilisang pagpapatibay ng isang ordinansa mula sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod o Pambayan na MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG CHRISTMAS PARTY o anumang mass gatherings at isasaad sa gagawing ordinansa ang mga magiging penalties o kaparusahan sa sinumang lalabag dito, dahil hindi ito sakop ng Nasyonal sa halip ay sakop ito ng lahat ng lokal na Pamahalaan!
Ang pagbabawal sa mga Christmas Party at anumang mass gatherings ay upang manatili sa ating bansa ang standing protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, at physical distancing. Dahil kapag pinayagan ang pagkakaroon nito ay hindi na matatapos ang paglaganap ng Covid-19 sa buong bansa dahil siguradong bawal ang mass gatherings!
Posible din na pansamantalang ibalik ang modified community quarantine sakaling hindi nakagawa ng ordinansa ang lokal na Pamahalaan dahil naniniwala ang Palasyo na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mass gatherings, at pag-iipon-ipon ng mga tao sa labas ng kanilang mga bahay.
Habang wala pang vaccine para sa Covid-19, dapat mag-ingat ang lahat dahil naranasan na natin ang naging epekto ng sitwasyong Pandemic! Mainam na manahimik na lamang sa ating mga bahay kasama ang sariling pamilya sa araw ng kapaskuhan!
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata