Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lockdown fake news — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO

FAKE news ang lockdown mula 23 Disyembre 2020 hanggang 3 Enero 2021, na kumakalat sa text messages at viber groups na ipatutupad ng gobyerno nationwide.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon para tuldukan ang pangam­ba ng mga mama­mayan sa natang­gap na text message na nagsaad ng pekeng balita na mararanasan muli ng buong bansa ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sa hiwalay na kalatas, pinayohan ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force co-chairman Karlo Alexi Nograles na dapat alamin muna ng publiko ang totoo, huwag maniwala at huwag magkalat ng ‘fake news’ lalo na sa panahon ng CoVid-19 pandemic.

Nanawagan siya na patuloy na maging responsable sa sarili at sa pamilya.

Ayon kay National Task Force against CoVid-19 spokesman Restituto Padilla, huwag maniwala sa mga impormasyon na hindi nagmumula sa beripikadong sources.

“Everyone is strongly advised not to believe news or information coming from unverified sources. Please ensure you verify or ask authorities or trusted organizations about the veracity of such information before believing and passing it around. Let us not be instruments of fake news distribution and help our fellow kababayans,” ani Padilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …