Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika Santiago, type makurot at panggigilan ng fans

PAGIGING kontrabida. Ito ang gustong tahakin ni Angelika Santiago, 17, si Jewel sa Prima Donnas ng GMA 7 na kaibigan ni Brianna (Elijah Alejo).

Kakaiba ang karakter ni Angelica dahil may pagkabaliw. “Gusto ko po yung character niya, kasi kakaiba po. Kontrabida po ako rito,” sambit ni Angelika sa virtual conference nito noong Biyernes.

Giit ni Angelika, enjoy siya sa pagkokontrabida. “Sa totoo lang po, mas okay po sa akin ‘yung kontrabida na role. Kasi, growing up po sa former school ko, ‘yun po talaga ‘yung role ko lagi sa mga film namin sa school.

“Gusto ko pong maging mataray in camera, kasi parang nag-a-add po siya ng tension kapag nagse-scene po ako, kasama ang mga kaibigan ko po. And nakatutulong po iyon para lalo namin magampanan nang maayos ang character po naming.”

Sinabi pa ni Angelika na okey lang sa kanya na kamuhian o kurut-kurutin ng fans kapag namamasyal ng mall.

“Okey lang po ‘yun sa akin. Ibig sabihin po kasi niyon, effective ‘yung ginagawa kong role,” paliwanag ng batang aktres na taong 2016 nang pumalaot sa mundo ng showbiz. Sa ngayo’y nasa pangangalaga siya ng Triple A Incorporated ni Rams David.

Aminadong bata pa lang ay hilig na ni Jelay (tawag kay Angelika) ang arts o sining. “Well, masasabi ko po na mahilig po talaga ako sa arts. Before po ako nag-artista, mahilig po akong mag-video and mag-direk po ng mga film sa school namin.

“And may pagkahilig na po talaga ako manood ng movies noon, especially po ‘yung kay Vilma Santos na ‘Anak.’ Mga scenes niya po roon ang inire-recreate ko po.”

Nagsimula ang katuparan ng kanyang pangarap nang nakita siya ni AiAi delas Alas, na family friend nila.

“Nag-start po ako noong time na nakita po ako ni Mommy AiAi delas Alas. Galing po sila sa meeting ni papa and tinanong po ako kung gusto kong mag-artista. Pumayag naman po ‘yung parents ko, at saka po ako, kasi gusto ko rin po talagang maranasan ang pagiging artista,” aniya.

At para mahasa ang talent, sumabak sa mga acting workshop si Angelika. “Nag-start po ako kay Sir Ogie Diaz for one year din po and after niyon ay nag-try din po ako sa kaibigan po ni mommy Ai Ai na direktor po. Then, nag-Star Magic po ako for two years din po.

“Tapos po, nag-break lang, then sumabak na naman po kay Mommy Anne Villegas and ito po, ‘yung last ko ngayon ay kay Mommy Gladys Reyes po. Hanggang now po nagwo-workshop pa rin po ako, pero naka-break nga lang po dahil may school. Pero pinag-iisipan po namin na mag-try po sa PETA Theater.”

Nakalabas na sa iba pang TV shows si Angelika tulad ng MaynilaUniforme, at sa pelikulang OFWthe Movie na pinagbidahan ni Sylvia Sanchez. At dahil sobrang haba ng buhok ni Angelika (hanggang puwet), endorser siya ng Keracream shampoo at conditioner.Siya rin ang endorser ng Shake King Frost na kilala rin sa tawag na creamy and delicious cake in a shake.

Anang dalagita, “Ito pong Shake King Frost ay very reasonable po ang price at napakasarap. Plus, maraming flavors to choose from… bale, cake in a shake po siya na smoothie. Ang favorite flavor ko po is yung chocolate at red velvet.    . 

“Open na po ito for franchising nationwide, pls contact Arnel T. Bollena at 09298312885 and Ernalyn Villegas at 09427467323.”

Ang available na products sa Shake King Frost ay Milk Tea, Premium Milk Tea, Shake and Frost Smoothies, Frappuccino, at Fruit Tea.

At kahit bata pa, sinasanay na rin siya ng parents niyang sina Butch at  Bhing sa negosyo dahil next year sa kanyang debut (May) ay bibigyan siya ng isang negosyo at gagawing CEO ng father niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …