Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya Lopez, nakipagsabayan kina Guy at Phillip sa Isa Pang Bahaghari

NAGPAKITA nang husay ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa pelikulang Isa Pang Bahaghari na isa sa entry sa gaganaping annual Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25, via Upstream.

Gumaganap rito si Sanya bilang isang dalagang ina na bunsong anak nina Ms. Nora Aunor at Philip Salvador na dahil sa kahirapan ng buhay ay napilitang magtrabaho bilang dancer sa bar.

Bukod sa star-studded ang casts nito, pawang de kalibreng mga veteran actor ang tampok dito. Pero nakaya ni Sanya na makipagsabayan, lalo na kina Kuya Ipe at sa nag-iisang Superstar na si Ms. Nora.

Isa kami sa mapalad na nakapanood sa press preview ng bagong obra ni Direk Joel Lamangan, at impressive ang mga eksena rito ni Sanya.

Lalo na ang confrontation scene niya kay Kuya Ipe na galit na galit siya dahil itinuturing niyang ang pag-abandona sa kanila ng ama ang isa sa dahilan kung bakit ang buhay niya ay nasadlak sa matinding kahirapan.

Actually, pati si Kuya Ipe (na kasama namin sa preview room) ay pinuri ang husay si Sanya at ang mga young actors sa casts.

Paano niya pinaghandaan ang pelikulang ito?

Esplika ni Sanya, “Honestly, ngayon ko lang nakatrabaho yung mga nanditoo sa Isa Pang Bahaghari. At naku, sobrang na-excite ako at talagang pinaghandaan ko siya dahil, of course, Ms. Nora Aunor ang aking makakatrabaho rito at talagang mga veteran.”

Saad pa niya, “Of course, with Direk Joel Lamangan na talagang tutok sa lahat ng ginagawa niya. Sobrang excited talaga ako kung paano ipalalabas itong pelikula na ‘to sa lahat ng manonood.

“Habang binabasa ko pa lang actually yung script nito, talagang tagos sa puso lahat, at sana iyon yung tumatak sa tao. Kung paano, itong istorya na ito ay makapagbigay kung paano magpatawad at kung paano talaga tunay na magmahal.”

Sure na sure kami na bukod sa babaha ng luha sa mga manonood ng Isa Pang Bahaghari, hahakot din ito ng awards.

Ang Isa Pang Bahaghari ay mula sa Heaven’s Best Entertainment.  Tampok din sa pelikula sina Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Maris Racal, Albie Casiño, Migs Almendras, Jim Pebanco, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …