Saturday , November 16 2024

Nangyari kay Nasino ayaw maulit ng Palasyo

AYAW nang maulit ng Palasyo ang pagkamatay ng sanggol na anak ng detenidong aktibista kaya hiniling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na alagaan ang isang buwang gulang na sanggol na anak ng arestadong umano’y New People’s Army (NPA) finance officer.

Dinakip ng mga pulis kamakailan si Amanda Socorro Echanis, 32 anyos, kasama ang isang-buwang gulang na sanggol sa kasong illegal possession of firearms and explosives at kasalukuyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tuguegarao City makaraang dakpin sa kanyang bahay sa Barangay Carupian sa Baggao, Cagayan.

Si Amanda ay anak ni National Democratic Front (NDF) consultant Randall Echanis na pinahirapan at pinaslang noong nakalipas na Agosto.

Ipinaalala ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagkamatay ng tatlong-buwang gulang na sanggol ng aktibistang si Reina Mae Nasino na inaresto noong nakalipas na taon sa parehong mga kaso kay Echanis.

“We hope that would not be repeated. But I’m calling upon the DSWD to take steps to ensure that the welfare of the child would be protected,” ani Roque.

Aniya, hindi katuwiran ang pag-aalaga sa sanggol upang makalusot sa pagkabilanggo ang isang inang akusado ngunit hindi ito nangangahulugan na pababayaan ng pamahalaan ang bata.

“It is always the rule that government will take steps for the best interest of the child,” sabi ni Roque.

Si Nasino ay inihiwalay sa kanyang anak alinsunod sa utos ng korte at makaraan ang tatlong buwan ay nasawi ang sanggol sa pneumonia.

Naghain ng reklamo si Nasino na humihiling na sibakin si Judge Marivic Balisi-Umali, ang nag-utos na paghiwalyin silang mag-ina.

Inasunto rin ni Nasino ang Manila Police District (MPD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang pagkaitan siyang ipagluksa at mailibing nang maayos ang tatlong-buwang gulang na sanggol.

Inulan ng kritisismo ang ginawang hijack ng mga pulis at jail personnel sa labi ni Baby River mula sa punerarya hanggang sa Manila North Cemetery taliwas sa planong may dignidad na paglilibing sa sanggol ng pamilya Nasino.

Bantay-sarado ng armadong 100 pulis at jail personnel si Reina, nakaposas at nakasuot ng personal protective equipment (PPE).

Hindi tinanggal ng mga awtoridad ang posas ni Reina kaya’t hindi niya nagawang yakapin kahit ang ataul ng anak bago ilibing, kahit mga luha ay hindi niya nagawang pahirin. (ROSA NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *