Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joed Serrano

Joed Serrano, naghahanap ng bibida sa Anak ng Burlesk Queen

MGA seksing babae naman ang bibigyan ng break sa showbiz ng bagong film producer na si Joed Serrano ng Godfather Productions.

Hinahanap naman ni Joed ang seksing babae na lalabas sa bagong movie niyang Anak ng Burlesk Queen na ididirehe na naman ni Joel Lamangan, huh!

Take note, hindi pa nga naipalalabas ang unang venture niyang Anak ng Macho Dancer, gigiling naman ang Anak ng Burlesk Queen!

Of course, kapag ang pelikulang Burlesk Queen ang usapan, ang Star For All Seasons na si Congressswoman Vilma Santos-Recto ang maaalala.

Pasabog ang movie na ito ni Ate Vi na ipinalabas sa isang Metro Manila Film Festival. Nanalo ito ng maraming awards pero may mga umangal na sector at ipinasasauli ang mga award.

Pasabog ang ending ng movie na naka-two-piece bikini si Vilma na todo-giling sa stage habang umiiyak!

Ngayong araw na ito, November 4, ang casting call para sa Anak ng Burlesk Queen sa Sikat Studio, 2nd floor, #305 Tomas Morato Avenue, QC, 2-5PM only.

Siyempre, kailangan matapang, 20-25 years old at magaling na dancer ang kailangan para mapili sa lead role at supporting cast.

Take note, after Anak ng Burlesk Queen, ang tell-all life story naman ni Joed ang isa pa niyang ipo-produce!

Jackpot ang magiging artista ni Joed dahil galante siya sa mga artista niya, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …