Friday , November 15 2024
Students school

14-anyos pababa bawal sa malls (Bagets asymptomatic carriers ng virus)

KINATIGAN ng Palasyo ang pasya ng 17 alkalde sa 16 siyudad at isang munisipalidad sa Metro Manila na ipagbawal pa rin ang pagpunta ng mga menor de edad sa mga shopping mall ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa guidelines ng Inter-Agency Task Force na kapag ang isang lugar ay nasa modified enhanced community quarantine at modified general community quarantine, tanging ang mga nag-eedad 15 hanggang 21 anyos ang maaaring lumabas.

Pero depende pa rin aniya ito sa pagpapasya ng local government units (LGUs).

“Well, ang guidelines naman po talaga ng ating IATF ay kapag naka — from MECQ to MGCQ, from 21 years old to 15 puwedeng lumabas pero discretion po ng local government units kung ano iyong edad na palalabasin,” pahayag ni Roque.

Una rito, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia na konsultahin muna ng Metro Manila Council ang mga eksperto pero hindi pumabor ang Philippine Pediatric Society, Inc., at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, na payagan ang mga bata na makapasyal sa mga mall.

Bawal ang 14 anyos pababa na mamasyal sa mga shopping mall.

Base aniya sa pananaw ng mga eksperto, karaniwang asymptomatic carriers ng virus ang mga bata. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *