Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talent manager na si Len Carrillo, proud na proud kay Sean de Guzman

IPINAHAYAG ng mabait na talent manager na si Ms. Len Carrillo kung gaano siya ka-proud kay Sean de Guzman. Si Sean, na isa sa member ng Clique V ang bida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan.

Ano ang masasabi niya na after three years ay bida na ngayon si Sean?

Masayang saad ni Ms. Len, “Very-very-very proud, sobrang proud ako sa kanya, nag-pay off na lahat ng hirap niya. Yeah, pati na hirap ko, hahahaha!”

Patuloy pa niya, “Hindi ko inaasahan ito… sa akin, parang too early ang three years… Ako, ang mga ine-expect ko, mga five years (bago dumating ang ganitong break). Kaya sobrang blessed niya talaga.”

Nabanggit din ni Ms. Len na nag-renew na ng kontrata sa kanya si Sean.

“He just renewed, yes… nang nakuha niya itong lead role sa Anak ng Macho Dancer. Kasi nag-expired kami, last August…

“Then, nang nakuha siya sa audition na ito, tumawag sa akin si Sean, umiiyak siya niyon at ang sabi niya sa akin the next day, ‘’Nay mag-renew na tayo ng contract.’”

Dagdag pa niya, “Sobrang bait ni Sean, iyong loyalty niya, wala talaga akong masabi.”

Iyong Clique V, ilan pa po ba sila ngayon? “Seven pa rin, kaya lang silang tatlo may kanya-kanyang career na, which is si Gelo (Alagban), si Karl (Aquino) and si Sean. Hopefully, si Marco (Gomez) naman ang next, may mga offer naman, eh,” aniya pa.

Ano ang lagi niyang pangaral sa kanyang mga talent?

Tugon niya, “Ang lagi kong sinasabi sa kanila na paulit-ulit, na huwag silang makakalimot kung saan sila nanggaling.”

Okay lang po ba na nagpa-sexy si Sean?

“Sa akin okay lang naman, as long as maganda ang story. Kasi itong Anak ng Macho Dancer ay sobrang maganda iyong story. ‘Tsaka Joel Lamangan is Joel Lamangan, kapag gawa ni Joel Lamangan ay may art, eh. At hindi siya yung tipo ng movie na bastusin, no, hindi bastusin ang movie,” nakangiting esplika ni Ms. Len.

Tampok din sa Anak ng Macho Dancer sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.

Ang pelikula ay mula sa The Godfather Productions ng Mega Producer na si Joed Serrano, katuwang ang Blackwater. Planong gawin ang premiere night nito ngayong December sa UP Film Center para sa uncut version ng pelikula.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …