Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cong. Alfred, balik-acting, proud sa Tadhana

ARTISTA na uli si Cong.!

Tuwang-tuwa si Congressman Alfred Vargas, nang ipalabas ng GMA-7 ang ginampanan niyang life story ng isa sa ating mga bayaning si Andres Bonifacio sa GMA-7 noong anibersaryo nito.

“I am always smitten by his story, ang kanyang pagiging Supremo kaya proud ako nang magawa ko ito. Na kahit paulit-ulit panoorin, alam mo na may maibabahagi sa mga tao, lalo sa kabataan sa mga aral na nakapaloob sa buhay niya.”

Noong nakaraang taon, nakatapos ng isang pelikula si Alfred kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao sa direksiyon ni McArthur Alejandre. Inilalaan sana nila ito sa 2019 Summer Metro Manila Film Festival pero hindi pinalad na matuloy.

Ngayon makakasama sa 2020 MMFF ang Tagpuan na mula sa iskrip ni Ricky Lee.

“Nag-shoot kami sa HongKong, noong kasagsagan ng mga rally sa kanila. Then, sa New York, USA. Nagustuhan ko rin ang pagkakahimay sa istorya nito. Tungkol sa pag-ibig. Na nawala. Nakita. Mga pangarap na binuo. 

“As co-stars, dahil nagkatrabaho na kami ni Iza sa ilang teleserye, lampas na kami sa ilangan level. Parang ma-rekindle lang ang magandang pagsasama sa trabaho. Mag-asawa kami. She’s my ex. Then, nakilala ko naman ang OFW na si Shaina. Interesting ‘yung twist niya.”

Nag-invest as a producer si Alfred sa proyekto. Kaya masaya siya na sa nakakapanibago mang paraan ay maibabahagi na nila ang pelikula sa mga manonood.

“Kahit sandali lang kami nakapag-shoot sa HongKong and New York, I would say na masarap talaga mag-shoot abroad. Kahit bitin ang tig-two weeks. Iba pa rin ang experience.”

Proud si Alfred sa Tagpuan. Isa na nga ito sa masasabi niyang ipagkakapuri niyang pelikula na nagawa niya.

Sa mga araw na kailangang gampanan ang tungkulin niya sa ikalimang distrito ng Quezon City, katuwang ni Congressman ang kapatid niyang si Konsehal PM Vargas sa pag-ayuda sa kanilang mga kababayan.

At sa tahanan nila ni Yasmine, nakatuon naman ito sa tatlo nilang supling.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …