Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Version ng “Oh Holy Night” ni JC umani ng maraming like, share, at views

Aside sa pagiging singer ay professional dancer and choreographer din si JC Garcia, kaya naman tuwing may dance cover siya like “Senorita” nina Shawn Mendez at Camila Cabello na ini-upload sa kanyang Tiktok at Facebook account, umaani ito ng maraming views, comments, and like and share.

Ito namang latest cover version niya ng classic Christmas song na “Oh Holy Night” ay bongga rin ang feedback, dahil habang kinakanta ito ni JC ay pinapa-feel niya sa iyo ang spirit ng Christmas na parating na.

Yes, kahit na active pa rin ang CoVid-19 ay hindi mapipigilan ang selebrasyon ng Pasko specially dito sa Filipinas. Tulad ng kanyang covers ay pawang magagandang komento ang mababasa sa FB ni JC sa kanta niyang Oh Holy Night, at majority ay nagre-request sa Sanfo based recording artist na kumanta pa ng more Christmas songs, na siguradong pagbibigyan niya.

Pero sabi ni JC sa kanyang post ay nagdurugo ang kanyang puso habang pinanonood ang news sa nangyari sa mga kababayan natin sa Cagayan na sobrang apektado ng nagdaang bagyong Ulysses at maraming pamilya ang nawalan ng bahay at kabuhayan.

Kaya panawagan ni JC, sana ay magkaisa ang lahat na tumulong sa mga kaawa-awang biktima ni Ulysses.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …