Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Solons na ipinagtanggol ni Velasco sa red-tagging idiniin ni Digong bilang legal fronts ng CPP-NPA

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Makabayan Bloc sa Kamara bilang legal fronts ng CPP-NPA.

Ginawa ito ng pangulo nang tahas at walang pangingimi.

                Sinabi ng Pangulo na tumpak na tumpak ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasabing legal front ng partidong komunista ang Makabayan Bloc maging ang grupong Bayan at Gabriela.

Sa kanyang live broadcast nitong Lunes ng gabi mula sa Davao City, sinabi ni Duterte ang mga katagang — “We are not red-tagging you. We are identifying you as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos ‘yung NPA-CPP.”

                Inamin mismo ng presidente ‘yan. Hindi lang pala sila nagre-red tagging o nagbabansag na ‘kaliwa’ ang Makabayan bloc kundi tahasang sinabi na sila’y legal front ng CPP-NPA.

                Mukhang nagdedeklara ng ‘gera’ ang pangulo sa Kamara na pinamumunuan ng kaalyado niyang si Speaker Lord Allan Velasco na kamakailan ay ipinagtanggol ang Makabayan bloc sa red-tagging ng militar?!

Hindi kaya bumaligtad ang mundo ni Speaker Lord sa ginawang ito ni PRRD? Kung iisiping mabuti, mistulang inilaglag ni Digong si Velasco?

‘Di ba nga’t dinepensahan at ipinagtanggol ni Velasco ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na sina Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago, ACT Teachers Rep. France Castro at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.

Matatandaang tinindigan ni Velasco ang Makabayan Bloc laban sa red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC’s) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. Ang sabi ni Velasco, dapat mag-ingat ang AFP sa kanilang mga binibitawang salita kung wala naman matibay na ebidensiya.

E paano ngayon ‘yan Mr. Speaker? Si Pangulong Duterte na mismo ang nagsalita na ang Makabayan Bloc ay legal front ng mga komunista? Hindi lamang red-tagging ang ginawa ni PRRD, deretsahan niya talagang sinabi na ang Makabayan Bloc at iba pang katulad na grupo ay legal front ng CPP-NPA.

Hindi kaya naiisip ni Velasco na baka rumeresbak na sa kanya ang Pangulo dahil sa mga galawan ng Kamara sa kasalukuyan na mistulang hindi naaayon sa dapat sanang inaasahan mula sa isang taong malapit sa mga Duterte? Tulad na lamang ng pag-upo ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza bilang Deputy Speaker na alam naman ng lahat na palaging tumitira at pumupuna sa administrasyon ni Digong.

Matindi kasi ang pasabog na ito ni Duterte dahil mismong sa kanyang pahayag ay tinawag niyang mukhang ‘tae ng aso’ si  Makabayan Bloc member Rep. Carlos Zarate na tumatanggap pa umano ng pera mula sa mga oligarch at walang ginawa kundi banatan ang gobyerno.

“You are friends with the NPA. You co-conspirators. Komunista ka adre, matagal na. Alam ko. Alam ko kasi alam ko.”

Mukhang galit na galit ang pangulo dahil Binira din niya si CPP-NPA founder Joma Sison, dahil ang ideology umano nito ay pumatay na ng maraming sundalo at mga pulis. Kinuwestiyon niya si Sison kung ano ang nakita nito sa kanyang communist ideology.

Sabin ng pangulo wala mang mga ideolohiyang ipinaglalaban ang mga CPP-NPA dahil communal war na lamang at pagpapatiklop sa gobyerbo ang ginagawa nito.

Ano naman kaya ang masasabi ng house leadership tungkol dito? Aksiyonan na kaya ito ng Kamara ngayong hayagang inakusahan ni PRRD ang Makabayan Bloc bilang legal fronts ng CPP-NPA?

Naghihintay ang bayan kung ano ang gagawin ng Kamara tungkol dito. Sa Senado ay  iniimbestigahan na nila ang usaping ito na resulta ng pagbubunyag ng isang nagpakilalang Ka Eric na umano’y dating kadre ng CPP-NPA na ang Makabayan Bloc ay miyembro ng Partido Komunista.

Pero sa kanilang pagdalo sa pagdinig, itinanggi nina Zarate at Elago ang mga paratang.

Mismong ‘yung Ka Eric na ang naghamon nitong nakalipas na mga araw kay Velasco na suspendihin ang house rules at pagharapin sila at ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa isang pagdinig ng Kamara upang malinawan ang naturang isyu dahil nakaiinsulto aniya sa taong bayan na may mga Kongresista na pinapasahod ng buwis ng mamamayan pero kaaway mismo ng gobyerno.

Pero hanggang ngayon, nganga, at wala pa rin reaksiyon ang liderato ng Kamara.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *