Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ricky Gumera, ibinuyangyang ang lahat sa Anak ng Macho Dancer

SINUBOK ng panahon at pinatatag ng mga dagok sa buhay. Iyan si Ricky Gumera, isa sa bida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan.

Si Ricky ay laking squatter sa Cavite, inalagaan ng kanyang lolo’t lola na akala niya’y kanyang mga magulang. Inabandona siya noon ng ina, eleven silang magkakapatid na iba-iba ang tatay (tatlo rito ang iisa ang ama) at pang-apat siya. Ipinamigay at ipinaampon ‘yung iba, hindi raw niya nakilala ang kanyang ama, kahit ang nanay niya’y hindi na alam kung ano ang pangalan ng father niya.

Noong bata pa, nabuhay sila sa paglalaba ng kanyang lola. Naranasan din ni Ricky na mag-ulam ng asin. Hahalauan nila ito ng tubig para maging sabaw.

Si Ricky ay 21 years old, may taas na 5’11, Pageant King, ramp and commercial model, nag-real estate din siya bago napasabak sa Anak ng Macho Dancer.

Ikinuwento ni Ricky kung paano napasok sa showbiz. “Nagkaroon ng audition para sa Anak Ng Macho Dancer. Wala talaga sa plan ko na mag-artista, nang nag-audition ako, nandoon si Direk Joel, kinakabahan nga po ako.”

Dagdag niya, “Napaka-challenging ng role ko rito, sobra po, kahit ako ay nabigla nang ibinigay sa akin ang role na ito – which is hindi dapat sa akin. Ang role ko lang dito ay macho dancer, pero binago nila.

“Parang a day before na magsu-shoot kami, sinabihan ako na hindi raw kaya ng isa ang mag-frontal. Sa tulong na rin ng manager ko na si Nanay Meg, sinabihan niya kasi ako, ‘Anak, hindi kayang mag-frontal ng isang artista, ikaw ba kaya mo?’ Sabi ko naman, ‘Nay, ano sa palagay mo na ikaka-success ko sa movie?’ Sabi niya sa akin, ‘Kung ako ang tatanungin mo, i-grab mo.’ Kaya sabi ko, ‘Okay sige, one hundred percent iga-grab ko iyan’.

“Maraming love scenes at bed scenes dito. First time kong gagawin ito, ‘yung frontal talaga, na ipapakita ko ang lahat,” pag-amin pa niya. 

Ang Anak ng Macho Dancer ay pinagbibidahan ni Sean de Guzman. Tampok din dito sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Charles Nathan, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.

Ang pelikula ay mula sa The Godfather Productions ng Mega Producer na si Joed Serrano, katuwang ang Blackwater. Planong gawin ang premiere night nito ngayong December sa UP Film Center para sa uncut version ng pelikula.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …