Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Rhea Tan, dream come true na maging Beautéderm endorser si Bea Alonzo

MINARKAHAN ng Beautéderm Corporation ang birthday ng President at CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa isa na namang ‘di malilimutang milestone sa pagsalubong kay Bea Alonzo, sa lumalaki nitong pamilya bilang opisyal na endorser ng pinakabagong produkto na Etre Clair Refreshing Mouth Spray.

Mula nang sinimulan niya ang kompanya 11 years ago, isa sa ultimate dreams ni Ms. Rhea ang makasama si Bea bilang bahagi ng illustrious roster of Beautéderm Brand Ambassadors at maligaya ang batang CEO ngayong nagkatotoo na ang kanyang pangarap na mapabilang sa kanyang stable of amazing endorsers ang matagumpay na batang aktres.

“Ina-admire ko si Bea, It has always been a dream of mine to collaborate with her as an endorser of Beautéderm. Noong una, parang imposible ang pangarap kong ito dahil sa humble beginnings ng kompanya, kaya naman nagsumikap kami hanggang ito na nga at nagkatotoo na ang pangarap namin. It took me 11 years to make my dream come true and Bea is truly worth the long wait.

“Napakasarap din katrabaho ng kanyang manager na si Ms. Shirley Kuan. Very professional at very humble siya – she is everything that I imagined her to be. This is truly a wonderful birthday gift to me,” saad ng lady boss ng Beautederm.

Sinabi ni Bea na napakasaya niya ngayong bahagi na ng Beautéderm. “It feels great! I’ve always been curious about the brand, kung paano lumaki ang kompanya at kung gaano kabilis lumaki ang pamilya nito. Marami akong mga kaibigan na bahagi ng Beautéderm family, and I’m happy that I can finally endorse this brand alongside them.”

Inspired din si Bea noong nakilala niya si Ms. Rhea sa unang pagkakataon. Aniya, “Ang saya ko noong nagkita kami sa shoot namin. I like being around strong and empowered women. Excited ako sa aming future campaigns.”

Para kay Bea, ini-develop ng Beautéderm ang Etre Clair – isang bagong produkto na isang hygienic essential, lalo sa gitna ng pandemya.

Ang Etre Clair, na isang antibacterial mouth spray, ay bahagi ng all-natural healthcare line ng brand at ito ang katuwang ng bawat consumer sa kalusugan at kagandahan. Made with 100% organic ingredients, mayroong potent antibacterial ingredients ang mouth spray na tumutulong sa throat discomforts na sanhi ng harmful microorganisms.

“These days, lagi kong ginagamit ang Etre Clair, and I suggest for everyone to use it as often to protect ourselves, lalo na ngayong mahirap ang kinakaharap natin. At organic at mint flavored pa ito. Fresh na fresh talaga ang feeling,” sabi ni Bea.

Para sa karagdagang impormasyon sa Etre Clair at sa exciting updates tungkol kay Bea Alonzo at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa FB, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …