HINDI naman natatapos ang pagtatanong at pag-uusisa ng mga tao sa buhay ni Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano. Matatapos na ba ito? O kung hanggang saan pa aabutin?
Kaya nakipagkuwentuhan ako sa isa sa miyembro ng cast na sa istorya ay laging kasama ni Ms. Susan Roces, bilang si Lola Flora at bahagi rin ng produksiyon, si Malou Crisologo, bilang si Tyang Lolly.
Sa limang taon niya sa programa, ibinahagi ni Malou ang kanyang mga natutuhan at nadiskubre sa kanilang palabas.
“The show became my 2nd family. We live the part we play. I became a tiyahin to all of them. On & off cam we take care of each other, we know each others personal struggles & joys, we support each other.
“Nang dumating ang pandemya, nag-raise kami ng funds and we gave financial ayuda from the lowest income to saan abutin ang naipong contribution from the actors & staff. Naka 3 batches din kami and were able to give everyone in prod. This was initiated by one cameraman of ‘Ang Probinsyano’ and contributions reached to even the top management. We were all so happy.
“Na-attach ako esp to our cast members in Floras family. Bianca Manalo, PJ Endrinal, ang husband ko sa show na si Marvin Yap is na naging bestfriend ko now. Si Tita Susan, I check on her regularly and talk to her so she won’t be sad.
“Nang sabihan kami na taping will resume but with restrictions and safety protocols, we had several zoom meetings para ma-discuss ang storylines and new rules. Ramdam mo naman na each one is complying bec of care for family and not just bec it is work.
“I must commend Coco (Martin) for being the Tatay to our FPJAP family. Talagang he cares for everybody. Mahirap i explain sa mga tao pero ang daming personal sacrifices ni Coco para lang magtuloy tuloy ang teleserye. Kung kami pagod, mas pagod siya. Kung kami puyat, siya hindi na natutulog para sa amin. Kaya naman galit kami nung na judge siya for his outburst. Hindi kasi nila alam ang pinanggagalingan ng statement na yun ni Coco.
“Strict si Coco pero strict sya kasi protective sya sa bigger interest of the show at never for himself.
“Nakaka ilang rounds of taping na kami. And I credit our safety to each one in prod who took the toll to protect, take care of himself and the others too.
“Masakit isipin pag nagtapos ang serye kasi mas madalas namin kapiling ang isa’t isa kesa sa mga pamilya namin. But the show started friendships that will go beyond the show.”
Sa rami na ng naikutang plot ng buhay ni Cardo at mga kasama, ano pa ang ie-expect ng viewers sa palabas? Anyare sa planong pagpasok ng isang Hollywood star sa serye?
“Mainly because of health protocols, I must say nasisikil ang mga grand plans ni Coco for the show. Kasali roon ang plan to guest foreign actors. Ganda sana ng plot na ‘yun, but what can we do, hindi pwede.
“Ang sinabi sa amin ni Coco and the writers, we will gear the story towards plots that will inspire viewers to move forward, stand up from this challenge of the pandemic and that life goes on.
“We will impress on the values that through high & low you have your FAMILY. The value of the family. The resiliency of the filipino family.
“Kaya naman nakaka-touch ang decision ni Tita Susan to continue taping and not leave the show. She feels she owes it to our audience na makita at marinig ang wisdom ni Lola Flora. Family pa rin ang laging nandyan for you.
“Good will triumph over evil. Kahit sa action plots yan ang gusto ni Coco puntahan nila Cardo and the Aguila team. Forgiveness, introspect na pagbabago ng tao mula sa loob para magkaroon ng mabuting mundo. Kaya kung mapapansin mo, at this point, pinipiga na ang mga antagonists sina Lily ( LT ), John Arcilla ( Hipolito ), Tirso Cruz III (Judge Padua ).”
Ang mga sorpresa.
“Hindi pa yata kami matatapos. Wala silang binabanggit, pero sinabihan na kami that we have been extended pa ulit.”
Lagare rin si Ms. Malou sa isa pang set, sa La Vida Lena na roon naman siya naka-lock in ngayon. At pagbalik niya sa FPJAP magpa-swab na naman siya.
“3 units kasi kami: 1 Malu Sevilla Unit: palasyo, group ni Hipolito. 2 CM unit: sina Coco & Aguila. 3 Floras unit kami ‘yun.”
Kaya, sa gitna ng pandemya, siguradong ngingiti ang lahat sa liwanag at ligaya ngayong Pasko!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo