Saturday , November 16 2024

P26-M damo nasabat sa QC 2 kelot, bebot deretso sa hoyo

TIMBOG ang dalawang lalaki at isang babae makaraang mahulihan ng malaking halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang joint buy bust operation ng pulisya sa Balintawak, Quezon City.

Ayon sa ulat na nakarating kay NCRPO chief, P/BGen. Vicente Danao, Jr., dakong 7:40 am ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng NCRPO Regional Intelligence Division at PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang buy bust sa Balintawak.

Sa naganap na drug bust, naaresto ang mga suspek na sina Dianne Irene Rodriguez Cambalicer, 37 anyos, negosyante;  Louie Mark Cuballes Cuerdo, 29, driver; at Angelo Buenaventura Pascual , 22 anyos, walang trabaho, na nakalulan sa isang Nissan Urvan.

Target ng buy bust na makabili ng ilang kilo ng marijuana upang malam­bat ang mga suspek ngunit nang magkabilihan ay tumambad sa mga operatiba ang mga sako at kahon na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon kay P/DEG Special Operations Unit3 (SOU3) P/Lt. Col. Glen Gonzalez, nasamsam sa mga suspek ang tinata­yang 217 kilo ng marijuana na tinatayang P26 milyon ang halaga.

Nabatid kay NCRPO RID chief P/Col. Hansel Marantan, target nilang masakote ang mga kasabwat ng tatlong suspek.

Ayon sa isang suspek, napag-utusan siyang dalhin ang mga kontra­bando habang ang dalawa pa ay tikom ang bibig nang kapanayamin ng media.

Pinuri ni NCRPO chief P/BGen. Danao ang matagumpay na operasyon.

Aniya, “This is an example of good cooperation and collaboration of our Intelligence Division to other PNP units tulad ng PNP DEG with participation of our local police at HPG resulting to the confiscation of large amount of marijuana. We continue our intensified and no let up campaign against all forms of illegal drugs, Mabuhay ang ating pulisya na nagseserbisyo nang tapat, may tapang at malasa­kit,” ani Danao.

Nakatakdang iharap sa media ni PNP chief, General Debold Sinas ang mga suspek at ang nakompiskang marijuana.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *